Zone Seventy

26 4 0
                                    

KRYPTON PANGANIBAN LEDESMA


Alam ko kung anong iniisip nyo—isa akong traydor. Ibato nyo na sakin ang lahat ng masasamang salita na pwedeng ibato sakin pero sa huli ay gagawin ko pa rin ang tama. Bahala kayo kung maniniwala kayo sa intension ko basta para sakin, totoo lahat ng iyon.

At kung tatanungin nyo ako kung ako yung nag-bigay sa kanya ng regalo nung madaling-araw ng birthday niya, tama kayo, ako nga iyon. Nung una nagtaka pa ako kung bakit magpapadala ng regalo ang Tatay kong demonyo, so bago ko ibigay sa kanya ay chineck ko muna kung anong klaseng regalo. At syempre naka-hinga ako nang maluwag nung makitang isang kwintas lang pala ang laman ng iyon pero dahil nga meron pa rin akong masamang kutob kaya chineck ko nang mabuti ang kwintas na iyon.

At doon ko nalaman na isang tracking device pala ang kwintas na iyon. Gusto ko sanang itapon na pero baka ako ang pag-hinalaan lalo na’t alam pa rin ng Marcus na iyon na nasa sakin pa rin ang kwintas. Wala akong nagawa kundi ang lagyan ng bagong note ang regalong iyon, baka sakaling sa pamamagitan nun ay ma-warningan ko siya. Alam kong gagamitin nila ang kwintas na iyon para sa gagawing pag-kidnap sa kanya. Hindi ko alam kung kelan sila aatake, hindi nila sinabi iyon.

Kinailangan ko pa talagang sundan siya nung araw na iyon para maibigay sa kanya ang regalo nang hindi niya nalalamang ako yun, nang hindi nakikita nang iba. Simula nung malaman kong siya si Diannah Deanisse ay alam ko na kung san siya nakatira kaya after nung party nila sa The Pub ay sinundan ko pa sila sa isang convenience store. Hindi rin ako makagalaw kasi kasama niya ang mga kapatid niya na mas matinik pa kesa sakin.

Wala akong choice kundi ang doon nalang maghintay sa bahay nila. Gusto ko sanang iwan nalang doon ang regalo nung lumabas na siya pero hindi ko napigilan ang sarili kong magpakilala sa kanya sa pamamagitan nang pagtanggal ng maskarang suot ko.

Ngayon, para na siyang isang lantang gulay na hindi na masyadong makagalaw dahil sa panghihina. Mas lalo akong nasasaktan sa tuwing nakikita ko siya sa ganung sitwasyon. Huli ko siyang nakitang naging masaya ay nung gabi ng debut niya. Nandoon ako, sumama ako sa TIB para tumugtog. Pa-sekreto kaming pumunta doon ni Tim kasi alam naming magagalit ang mga Ledesma pag nalamang nandoon kami.

Masayang-masaya sya nung gabing iyon kaya parang naging masaya na rin ang puso ko dahil sa bawat ngiti na ginagawa niya sa gabing iyon. Pero yung mga ngiting iyon ay hindi na makikita ngayon.

Parati akong nasa labas ng control room sa tuwing nandito ang Tatay kong walang kwenta. Palagi akong gumagala sa kabuuan ng building dahil sa dalawang rason:

Una, para iwasang makita ang totoong sitawsyon ni Dean.

Pangalawa, para pag-aralan ang pasikot-sikot sa kabuuan ng building.

Hindi naman sila naghihinala sakin dahil alam naman nila kung sino ako at malaki ang tiwala nila kasi nga anak niya ako.

Impossibleng ma-ilabas namin ni Tim si Dean dito nang kami lang dalawa kaya gumawa ako nang bagong plano. Kailangan namin ng tulong, at sa pagkaka-alam ko, hanggang ngayon ay naghahanap pa rin ang mga Dela Ayala sa kung saan namin tinago si Dean. Tatlong linggo na siyang nawawala kaya mas lalo kong binilisan ang plano ko.

At kaninang umaga nga lang, December 23, 2017, ay natapos ang plano ko. Gusto ko sanang sabihin kay Tim ang tungkol sa plano ko pero hindi kami makapag-usap nang hindi naririnig ng ibang tao. Masyadong maraming bantay sa bawat sulok kaya impossible talaga. Sinarili ko nalang muna ang plano.

Lumabas na naman ako ng hideout nang hindi nalalaman ng lahat ng taong nandito sa labas. Palagi kong ginagawa ito sa tuwing gusto kong lumayo muna sa nakaka-sakal na building na iyon. Minsan nandito lang ako sa mga kakahuyan naka-tambay para magpahangin pero iba ngayon.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon