Zone Thirty-Two

49 10 0
                                        

DEAN'S POV


AUGUST, 2014

“Oh ano Dean? Isang round pa?” ma-angas na tanong sakin ni Mad.

“Wow! You’re so boastful ah? Anong kinain mo kanina?” sagot ko naman sa kanya. Kasalukuyan kaming nagpa-practice shooting sa shooting range na pagmamay-ari ng pamilya ng kaibigan ni Dada.

Tinanggal ko na yung ear muffs ko at lumabas sa kwartong iyon. Lumabas na rin si Mad sa kabilang kwarto.

Inabotan nya ako ng isang stick ng cigarette na agad kong tinanggap. “Whatever Dean, you’re still that asshole I know.”

Napa-smirk ako sa sinabi nya “Magaling eh? Ano pa nga ba?” proud na proud kong sabi na tinawanan lang nya.

Humithit ako sa sigarilyong hawak ko at agad ibinuga sa ere ang smoke nito. “Mayabang!” sagot naman nya.

Siya si Mad or Matthias Allan Dallas Ortega in long. Besftriend ko doon sa London since I moved there and then he eventually moved in NYC kaya andito ako ngayon sa NYC at sya rin ang taong nakakakilala sakin. Bukod sa mga kaibigan ko na nasa Pilipinas ay may matatalik pa akong kaibigan dito sa ibang bansa and that includes Mad. Isa sa mga taong nakakaintindi sakin, bukod sa mga kapatid ko at kay Hunter. At pure Filipino sya.

Anak sya ng isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ni Dada na naka-base sa London. At naging factor din yon para mapalapit ako sa kanya. Sa ganda kong ito? Isang bulag nalang talaga ang hindi mahuhumaling sa angking kabaitan at kagandahan ko. *smirk*

Sa tagal naming magkaibigan ay hindi na ako nagtaka kung bakit isang araw ay gusto ko na sya. Gwapo at makisig si Mad, marami ngang nahuhumaling na ka-edad at mas matanda samin nung nasa London palang kami. Pero dahil naturuan ako ni Mimi at Dada tungkol sa pagtatago ng totoong emosyon ay naitago ko ng ilang taon ang nararamdaman ko sa kanya.

“Hi Sweety! How are you? And Hi Diannah Deanisse.”

At sya naman si Xofia Xavier Laxamana. Ang girlfriend ni Mad.

Naging magkaibigan kami ni Xofia Xavier dahil na rin kay Mad. Kinaibigan ko sya for the sake of my bestfriend, kahit na medyo nainis ako nung simula kay Xofia Xavier. Pero di kalaunan ay naging malapit na kami isa’t-isa.

“Hi Xofia Xavier.” Bati ko naman sa kanya.

“Ano sweety? Let’s go?” tanong ni Mad sa kanya.

“I’m not going to say no to that. Let’s go na, I’m starving na eh.” Tumingin silang dalawa sakin “You coming with us Diannah Deanisse?” baling sakin ni Xofia Xavier.

“No, It’s your date. Go have fun.” Tipid na sabi ko sa kanilang dalawa. Agad namang sumenyas sakin si Mad para mag-thank you. Tinanguan ko silang dalawa at magka-akbay na umalis sa shooting range.

Nag-simula na akong magligpit ng gamit ko. Tinapon ko na rin yung cigarette ko kanina.

Yeah, gusto ko si Mad pero walang sense kung ipaglalaban ko ang feelings ko sa kanya kasi simula palang – boss na ang tingin nya sakin. Kinaibigan nya lang ako dahil yon ang hiling ni Dada sa kanya – yan ang katotohonang alam ko behind our friendship na hanggang ngayon ay itinago ni Mad sakin.

I overheard that when he and Xofia Xavier talked months ago. I accidentally heard that.

I admit—nasaktan ako nung una but there’s no use para magalit eh so I threw away the thought that I liked him and besides, I don't usually push my self to someone na alam kong wala naman talaga syang feelings towards me.

The Girl Who SmokeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon