DEAN’S POV
JUNE 8, 2017
Nawalan ako ng ganang harapin ang mga natitira ko pang subject. Hanggang 7 p.m. ang klase namin kaya nung dismissal ay hindi na ako nagulat na naka-abang na si Z sa akin sa may sasakyan ko.
Tahimik nya akong inihatid sa bahay namin.
“Hi Nay, Tay.” Malamyang bati ko sa kanila nung maabutan ko sila sa living room namin.
“Magandang gabi po Attorney Daniella and Engineer Daniel.” Narinig kong bati ni Z sa mga magulang ko.
Nakipag-beso lang ako sa kanila at isinalampak nalang ang sarili ko sa sofa.
Kulang talaga ang sigarilyo. I need iced choco, ice cream and some space for breathing. *sigh*
“Magandang gabi rin Zaralaena, salamat sa paghahatid sa anak namin.” Sagot naman ni Tatay sa kanya pero napako na ang paningin ko sa kisame ng sala namin.
Masyadong maraming nangyari ngayong araw.
“Okay ka lang ba anak?” napa-kurap ako ng ilang beses nung may maramdaman akong kamay na pumatong sa balikat ko at narinig ko rin ang boses ni Nanay na nakapag-balik sa akin sa huwisyo.
“I guess alam nyo na po kung anong nangyari kanina. I just want to inform you po na I’m ready whatever the punishment is.” Sagot ko kay Nanay at inayos ang sarili ko, tumayo ako para sana ready ng umakyat sa itaas nang magsalita si Tatay.
“We’ll talk over that matter during dinner time but before that—puntahan mo muna yung kakambal mo. Sabihin mo kakain na.” utos sa akin ni Tatay na sinaludohan ko lang.
Malamya ang bawat galaw ko dahil wala talaga ako sa mood ngayon.
Sinunod ko yung utos ni Tatay kaya imbes na pumunta sa kwarto ko ay inuna ko sya. Bukas ang pintuan nya kaya agad akong naka-pasok.
Iba ang interior design ng room nya sa room ko, plain at normal room for boys ang kwarto nya na may kulay black and white. Naka-on ang lahat ng ilaw nya sa kwarto kaya ang una kong tinignan ay ang kama nya. Nakita ko naman sya doon na nakahilata sa kama.
Lumapit ako pero nagtaka ako sa expression ng mukha nya.
Tulog ba talaga ang isang to? Bakit parang natatae ang pagmumukha nito?
“Huy Delton! Gising na.” panggi-gising ko sa kanya pero wala pa ring imik, tulog pa rin ang kakambal ko.
Kaya ang ginawa ko ay niyugyog ko sya pero sa ginawa kong iyon ay nahagip ng mata ko ang pagtulo ng isang patak ng luha mula sa mata nyang naka-pikit.
Bakit ka umiiyak kambal?
Kinabahan ako sa patak ng luha nya.
Never umiyak sa harapan namin si Delton, kilala ko sya bilang isang seryoso, pilyo at mapagmahal na tao pero he never let his weakness shown to others—kahit sa aming pamilya nya.
Kaya bakit sya umiiyak? Is it because of his dream? Ano ba yon?
Or the fact na hindi pa rin sya nakaka-move on sa ex nya?
Sino nga ulit yung ex nya?
*isip*
AH! Si Gwen. Gwendolyn Margaux Zamora.
“Huy Delton, sinabing gising na eh.” Yugyog ko ulit sa kanya pero there’s no use pa rin kaya he leave me with no choice.
Bumwelo ako at