Zone Twenty

72 10 0
                                        

GABBY'S POV

FRIDAY

"Sorry kailangan pa namin kayong e-excuse sa mga klase nyo this day. Hindi kasi namin alam kung saan namin ipapasok sa mga schedule nyo yung pag-oorient sa inyo." sabi ni Nurse Jeba.

"College na kasi and iba-iba pa ang mga schedule nyo, unlike nung last time -- mga high school pa kayo nun." singit ni Nurse Lark.

Kyaaaaaaaaaah~ ang gwapo-gwapo talaga ni Nurse Lark. Haaaaaaaaays~

Nurse Lark and Nurse Jeba are the two nurses na naka-assign samin everytime na may gagawing medical mission ang pamilya nila Dos. Sila yung nag-oorient samin sa mga gagawin namin. Bukas pa yung medical mission pero kailangan naming mag-absent ngayong araw para lang sa orientation na ito.

"Medyo mahirap ang gagawin nating medical mission this month kasi simultaneous ito at lahat ng barangay ng San Fernando ang sakop ng medical mission." pagpapaliwanag ni Nurse Jeba.

Nasa isang conference room kami ng Riverside Memorial Hospital at kaming walo lang ang nandito.

"What about Zeus and Deanisse? Hindi ba sila kasali sa medical mission bukas?" biglang tanong ni Sab na bahagya pa akong nagulat kasi hindi ko inaasahan ang tanong nyang iyon.

"Kasali pa rin naman sila pero they will be assigned sa Sitio Cabyo---"

"Wait--- what? Sitio Cabyo? San naman yun? Akala ko ba sa San Fernando lang ang place?" pagputol ko sa pagsasalita ni Nurse Jeba.

She started to manipulate something on her laptop and a slideshow started to play on the white screen.

"Sitio Cabyo is the poorest sitio in San Fernando and probably the farthest. Sitio Cabyo is located 43 kilometers away from the city proper. Malayo ito sa kabihasnan at sa sibilisasyon. But now, the Hand in Hand Foundation together with the Riverside Medical Mission Team and Department of Health are finally going to reach out for the people who live there. Matutulungan na natin sila and President Aguinaldo is expected to be there to personally give the help they need." we are listening to Nurse Lark intently. Tinitignan ko rin minsan ang mga pictures na nagfa-flash sa screen. 

"So doon din kami ma-aassign?" tanong ni Onyx.

Good choice of question Onyx.

Lahat ng atensyon namin ay napunta lahat kela Nurses Jeba and Lark.

"Nope, si Zeus at Deanisse lang ang mapupunta doon. And sorry to say it pero kailangan nyo na munang maghiwa-hiwalay ngayon." si Nurse Lark

O.O

What da ef?!

"Dos and Max -- sa Barangay Balintawak kayo. Sab and Gabby--- Barangay Libertad. CJ and Vester sa Hacienda Dela Merced. Wayne and Onyx--- Barangay Buenaventura." sagot naman ni Nurse Jeba.

Nakakagulantang man yung sinabi nilang dalawa na magkakahiwalay kami bukas ay nagawa pa rin naming makinig sa kanila.

And they started to tell us all the do's and don'ts during the medical mission.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon