MAX'S POV
"BAKIT dito tayo nagdi-dinner?" Bulong sakin ni CJ.
"Aba ewan ko. Tanong mo dun sa promotor." Sabay tingin kay Dean na aliw na aliw sa pagkain nung chicken joy.
Ano bang sapak ng babaeng to at dito na-isipang kumain?
Kumagat nalang ako sa burger na inorder niya kanina. Kakatapos ko lang maghapunan nung biglang tumawag sakin si Onyx kanina at nag-ayang mag-dinner sa labas. I expected na sa isang fine dining na restaurant kami o di kaya dun sa resto namin pero nagulat nalang ako--- kami pala--- na dito kami dinala di Deanisse.
"Kulang yata tayo? Asan yung malanding Hunter?" Matapos ang mahabang katahimikan ay biglang nagsalita itong si Dean.
Tsk, parang di naman babae to.
Sa sinabi nyang yun ay nagkatinginan kaming walo.
Matagal bago may sumagot sa tanong ni Dean "May dinner daw siya with family." At si Gabby na yung naglakas-loob sumagot nun.
Oo nga pala, may dinner sya with family and with Xofia Laxamana.
"Ah okay." Maikling sagot nya at nagpatuloy sa pagngasab nung pagkain nya.
Ang awkward ng atmosphere kasi bukod sa nasa isang fast food chain kami ay lahat kami nakatingin lang sa kumakaing si Dean at halatang walang pakealam sa nasa paligid nya.
Nabalot nanaman kami ng katahimikan
"Ah Dean." Na-agaw naman agad ni Gabby yung atensyon ni Dean na busy pa ring kumain "Alam mo na ba na nand---- hmmmmppppp."
"Hehehehehe."
Biglang natigil sa pagsasalita si Gab nang biglang takpan ni Sab yung bibig nya. Medyo nagulat pa kami sa ginawang ganun ni Sab na tinawanan nya nalang.
Nagtaka naman si Dean--- pati kami--- sa inastang yun ng dalawa pero di pa rin sya nagpatinag sa pagkain at nagtuloy pa.
Nagbubulongan-bulongan yung dalawa. Hindi ko marinig kasi nasa kabilang side sila ng lamesa.
Matapos yung dinner na yun ay nag-ikot-ikot kami sa loob ng mall nila Sab. Humiwalay si Onyx at Wayne samin para daw pumunta sa bookstore.
Si Sab, Gab at Dean naman ay dumiretso sa DD's Emporium.
Kaming apat naman ay dumaan sa isang Nike Shop para tumingin-tingin ng mga new arrivals na product nila.
Pagpasok sa loob ng store ay agad kaming naghiwa-hiwalay para magtingin-tingin sa mga sapatos.
Napahiwalay ako dun sa tatlo kasi gusto kong bumili ng medyas kaya nasa Sock's section ako nun nung biglang may humawak sa balikat ko.
Hindi na ako nagulat sa paghawak nya sa balikat ko kasi napansin ko naman yung taong yun kanina pa pero mas nagulat ako kung sino yun.
"Are you done eating dinner? Why are you here? Where are the others?" Sunod-sunod na tanong nya.
Magka-salubong ang kilay kong hinarap sya "Bakit ngayon ka lang? Kasama mo ba si Xofia?"
![](https://img.wattpad.com/cover/86341611-288-k892131.jpg)