DEAN’S POV
MATAPOS kong mapanuod ang sunrise ay nagsuot ako ng wig then I ordered some breakfast para sa lasing na si Montero. Hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi si Z, malaki na sya kaya hindi na ako nagtanong kung nasaan sya.
Nag-order lang ako dahil hindi naman talaga ako nagluluto ng kahit anong pagkain, pwera nalang kung sobrang special ka na sakin—baka maging dahilan yun para ipagluto kita.
I am preparing the foods na parang ako talaga yung nagluto. May branch kasi ang MAIA Restaurant dito sa Rutherford kaya madali lang akong nakapagpa-deliver. They made homemade pancakes and breakfast kaya kung matitikman mo talaga ito ay para ka na ring nagpaluto sa cook nyo sa bahay ng breakfast. Personal recipe ito ni Ninang Shane kaya ito yung pinaka-paborito kong luto nya. The best kasi talaga yung pancakes nila!
“ASAN AKO?” napatigil ako sa paglalagay nung isang bowl ng cereals sa table dahil sa biglang nagsalita. Napatingin ako sa kanya at ngayon ay iginagala na nya yung paningin nya sa loob ng kusina ko bago nya ako nakita. “Shet! Anong nangyari kagabi?” dagdag na tanong nya.
“Oh? Gising ka na pala.” Inilapag ko ang bowl of cereals then kinuha ko yung mainit na tubig na sinadya ko talagang ihanda para sa kanya. “Drink this to lessen the hangover. It will help you.” Nakangiting sabi ko sa kanya sabay abot nung isang tasang mainit na tubig. Eto kasi pinapa-inom sakin dati nila Mad everytime na inaatake ako ng hangover. I’m not using this treatment anymore dahil masyado ng immune ang sistema ko sa alcohol and such.
“Mainit na tubig? Effective ba to?” kunot-noong tanong nya sakin habang kinukuha sa kamay ko ang tasa.
“Bahala ka kung ayaw mong maniwala.” Nang tuluyan nyang makuha ang tasa ay agad akong tumalikod sa kanya para puntahan yung inihanda kong breakfast. At para na rin mapansin nya ang inihanda ko. “Awe! Sige, iinumin ko na.” hindi ko alam kung ininom nga nya yung binigay ko dahil nakatalikod ako sa kanya.
“Umupo ka na, I prepared some breakfast. You can go home after, nandito naman yung ca—“
“Nasan ba ako?” hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung bigla syang sumabat. Inilapag na nya sa harapan ko ang tasang wala ng laman.
“You’re at my place.” Casual na sagot ko sa kanya.
“HALA! SERYOSO?!” pasigaw na sabi nya tapos ay iginala nya yung paningin nya sa dining area ko. Mabuti nalang talaga at malayo sya sakin, kasi kung nagkataong malapit sya—baka nasapak ko na ito.
“Sobrang lasing natin kagabi ah.” Sarkastikong sabi ko sa kanya. Umupo na ako sa pwesto ko sa dining area. Agad naman nyang sinunod ang ginawa ko.
“Lasing ka rin kagabi?” napa-eeeh ako sa sinabi nya.
“No! Ikaw lang naman yung lasing satin kagabi. Sarcastic yon hunghang!” singhal ko sa kanya.
“Maka-singhal ka naman! Pasensya naman oy! Ang sarap kasi nung party ni Deanisse Dela Ayala. First time ko kasi sa mga ganun kaya medyo natuwa lang ako.” Naka-ngiting kwento nya habang naglalagay ng pagkain sa pinggan nya.
“You enjoyed last night huh! Kwento mo naman sakin kung bakit nag-lasing ka nang ganun?” at ngayon ay malumanay na ang boses ko, sana naman hindi nya mapansing sarcastic yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/86341611-288-k892131.jpg)