Zone Nineteen

54 10 0
                                    

ISKA'S POV


MATAPOS kong pumunta sa u-belt ay pumasok ako pabalik sa campus pero habang naglalakad ako ay hindi pa rin mawala sa isipan ko yung babaeng ka-usap ni Onyx Recto. Ano bang kinalaman ng babaeng yon sa nangyari sa Kitchen Building?

Napahinto ako sa paglalakad nang bigla kong ma-alala ang mukha ng babae. Pero bigo talaga akong malaman kung sino yun kasi hindi ko talaga kilala yon.

*beeeeeep*

O_O

Walanghiya!

Gulat akong napatingin sa sasakyang nasa harapan ko. Nilapitan at

*bam*

Hinampas ko yung hood ng kotse nya. Yung malakas para maramdaman nya.

Pakshet! Sino ba kasing gago ang nagmamay-ari ng kotseng ito? Oo alam ko mayayaman ang mga nag-aaral dito pero wala akong pakealam.

Hinintay ko syang makababa ng kotse nya saka ako nagsalita.

"Ano bang problema mo ha?" tiim-bagang sabi ko habang nakatingin sa ibang sasakyan. Wala akong pakealam kung sino to basta nasa tama ako kaya ipaglalaban ko talaga ang karapatan ko.

"Ikaw miss? Anong problema mo at bakit nakaharang ka sa dadaanan ng sasakyan ko?" napatulala ako sa boses na iyon.

O_O

Bakit sa lahat ng pwedeng makasalamuha ay sya pa?!

Sinalubong ko ang kilay ko para hindi nya mahalatang nahihiya ako sa ginawa ko kanina.

"Bakit? Sayo ba yung lugar nato? HA? Eh kung bumusina ka nang marahan, hindi yung binibigla mo ako!" sigaw ko sa kanya. Kahit sa ganitong paraan man lang ay hindi nya maramdaman ang awkwardness na nararamdaman ko.

Pero ang tanga mo Iska! Sa lahat ng pwedeng sabihin bakit iyon pa? Eh pakshet talaga! Sa kanila nga tong paaralang ito eh.

O_O

"Nagpapatawa ka ba miss? Wala namang marahang busina ah."

Double O_O

Bakit ka ngumiti?!

Bakit ang gwapo nya?!

Pucha! Tigilan mo yang kahibangang yan Iska! Alalahanin mong may ipinaglalaban ka!

"Ewan ko sayo. Ang yabang-yabang mo. Porque't sayo itong paaralang ito ay aasta ka na nang ganyan. Hoy! Para sabihin ko sayo--- pare-pareho lang tayong estudyante dito at pare-pareho tayong Pilipino kaya pantay-pantay tayo dito ha!"

>,<

Ewan ko ba kung bakit yon ang mga lumabas sa bibig ko. Nahihiya na kasi talaga ako eh.

Nakikilala pa kaya ako nito?

"Okay. Tumabi ka nalang sa susunod at mag-ingat ka na rin."

Lalo akong naging tulala sa huling sinabi nya. Sinabi nyang mag-ingat daw ako. Kilala nya ba ako? Nakikilala pa ba nya ako?

Tumabi ako para magbigay-daan sa kanya at halos liparin ang hibla ng mga buhok ko sa sobrang bilis nyang magpatakbo ng sasakyan.

Tinignan ko yung sasakyan nya hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

Pakshet!

*boink*

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon