Zone Sixty-Six

15 4 0
                                    

DEAN’S POV


December 7, 2017

ICU U-WEEK DAY 4

Matapos kong makapag-ayos ay agad kaming umalis ni Z. Siya na rin yung naging driver ko kasi bigla siyang pumunta sa bahay kasi sasama raw siya sa Piazza A-list. Hindi pupunta yung parents ko, kami lang ng mga kaibigan ko ang magse-celebrate.

“Miss D, everything is settled na for your debut this Friday.” Pagbabasag ni Z sa katahimikan namin kaya napatingin ako sa kanya.

“Okay.” Walang ganang sagot ko at napatingin nalang sa labas ng bintana.

“Okay ka lang ba Miss D?” takang tanong ni Z kaya tumingin ako sa kanya ulit.

“Okay lang.” tsaka ako ngumiti sa kanya para hindi na siya mag-alala.

Nagpatuloy ang byahe namin hanggang sa makarating kami Piazza A-list. Pagkarating namin ay agad akong bumaba para puntahan naman ang mga kaibigan ko.

All smiles akong humarap sa kanilang lahat at hindi ipinakita sa kanilang merong bumabagabag sa aking isipan ngayon. Nandito kami para mag-saya, hindi para maging malungkot kaya nararapat lang na maging masaya kami ngayon. Kahit bago man lang magsimula ang laban.

Weekdays pa pero ang daming tao sa The Pub, sa Piazza A-list mismo, dahil siguro natunugan nilang nandito kami kaya siguro nandito rin sila.

“Nasaan na yung birthday celebrant?” tanong ko nung maabutan ako ni Z.

“Nasa taas na Miss D.” nung sabihin niya yun ay hindi ko na hinintay siya at nagtuloy-tuloy na sa paglalakad papasok sa loob. Hindi na rin kinuwestiyon ng bouncers ni Xofia ang pagkatao ko dahil alam kong alam na nila kung sino ako.

Pag-pasok ko ay naramdaman ko ka agad ang titig ng mga taong nadadaanan ko. Wala akong pinansin sa kanila at nagdire-diretso sa paglalakad hanggang sa maka-akyat na ako sa 2nd floor. Hinanap ko ang pagmumukha ng mga kaibigan ko, natagalan pa ako dahil nga pati dito sa itaas ay marami pa ring tao.

Pero di kalaunan ay nakita ko rin naman sila, nakita rin nila ako at agad kinawayan. Inayos ko ang sarili ko para maging maaliwalas at hindi mahalatang merong bumabagabag sakin. Lumapit ako sa kanila at agad binati ang birthday celebrant.

“Happy birthday ulit Hunter x Hunter.” Biro ko sa kanya pero seryoso ako sa pag-sabi ko ng birthday kasi birthday naman niya talaga ngayon.

Bumeso ako sa kanya at half-hug lang sana ang gagawin ko pero bigla niya akong tuluyang niyakap kaya wala akong nagawa kundi ang yakapin nalang siya pabalik.

“Ayiiiieeeeee, okay na silang dalawa.” Dahan-dahan akong lumingon sa pwesto ng mga kaibigan namin at masama silang tinignan dahil sa sinabi nila nang sabay.

“Kayo na ba?” naka-labas lahat ng ngiping sabi ni Dos out of nowhere kaya bigla akong napa-bitaw sa yakap at bigla rin siyang binatukan ni Ellaine.

“Ang insensitive Dos ha,” komento niya na ikina-iwas ko ng tingin. Ngumiti nalang ako sa kawalan at itinuon ang atensyon sa mga pagkaing nasa lamesa ng pwesto namin.

Kumuha ako ng isang bote ng smirnoff at tumungga ng isang lagok bago ako umupo sa beanie bag na nandito.

“C’mon guys, its Hunter’s birthday, we should enjoy the night!” pangche-cheer up ko sa kanila nung hindi ko man lang maramdaman ang paggalaw nila matapos kong ma-awkwardan sa sinabi ni Dos kanina.

“Yeah, we should. 19 na kaya si Zeus!” second the motion naman ni Angelo sa sinabi ko kaya napangiti nalang ako. “Kaya we need a toast for that.” Itinaas niya bigla yung shot glass na hawak niya.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon