Zone Fifty-Two

31 6 0
                                    

DEAN’S POV

JUNE 26, 2017

“Tsk, iba na talaga pag-mayaman ano? Isang pitik lang nila, nakakapunta na agad sila sa mga lugar na gusto nila.” Napatingin ako kay Montero nung bigla nyang basagin ang katahimikan namin. Nakatambay kami ngayon sa ICU Park habang hinihintay ang next class namin.

“Bakit mo naman nasabi yon?” tanong naman ni Robi sa kanya.

“Eh kasi naman, magwe-weekend getaway na nga lang doon pa sa mga mamahaling resort. Malayong byahe ito from Conception ha pero agad nilang napuntahan.” Sagot naman nya na hindi man lang inaalis ang tingin sa phone nya. Kaya dahil na-curious din ako sa tinitignan nya ay nakitingin na rin ako.

“Ano ba kasi yang tinitignan mo?” tanong ko habang sumisilip. Naging easy naman yung pagkakakita ko sa content ng phone nya nung ipinakita naman nya sakin yon.

The pictures from last night.

“Yung pictures ba nung birthday ni Max Pangilinan ang tinitignan mo ngayon?” tanong ni Jike kaya napatingin kami sa kanya.

“Yeah, in-upload kasi nung sikat na photography company kaya heto, naging viral nanaman sa facebook.” Kli-nick ni Montero yung album kung saan nakalagay ang mga pictures nung birthday ni Max at nung opening ng bagong MAIA Resort sa Siquijor. Inisa-isa nyang tignan ang mga pictures.

“Trending din kaya yan kagabi sa twitter. Lahat halos ng tao sa Pilipinas bumati sa Max Pangilinan na yan eh.” Biglang singit naman ni Megan.

“Bongga naman kasi yung opening nung bago nilang Resort, talagang sinabay sa birthday ng kanilang unico hijo.” Sagot naman ni Robi. 

“Idagdag mo pa yung star-studded na mga bisita. Naku! Kung ako magbe-birthday, gusto ko yung ganun—simple pero may boom!” singit naman ni Benj.

“Grabe no? Ang layo na nga nung Siquijor pero dinagsa pa rin ng mga bisita. Iba talaga pag-mayaman.” Si Alej naman.

“Sinabi mo pa Lej! Tsk, tsk, tsk. Kung ako nasa lugar ni Max, baka sobrang tuwa ko na.” sagot naman ni Art sa sinabi ni Alej.

Tinignan ko isa-isa yung mga kasamahan ko ngayon dito sa tinatambayan namin. Matapos nilang makapag-salita ay na-isipan kong magsalita na rin.

“Bakit ba yan yang pinag-uusapan nyo? Marami naman sigurong problema sa Pilipinas aside from them ah pero bakit sila?” nagtatakang tanong ko kasi wala talaga akong idea na ganito pala kami pag-usapan ng mga ordinaryong tao, although hindi naman ordinary para sakin si Jike, Megan, Digit, and Robi. But knowing the stand of Alej, Art, Benj, and Montero in this society ay talagang mapapa-isip ka talaga sa mga perceptions ng mga ordinaryong tao.

“Ano ka ba baby dragon! Nakatira ka ba talaga sa Pilipinas?” kunot-noong tanong ni Montero sakin.

“Yeah?” mas nagtatakang sagot ko with question mark dahil hindi ko talaga ma-get.

“Mataas kaya tingin namin sa mga magkakaibigang iyan. Kaya nga sila yung hinirang na mga pinaka-mayaman sa bansa dahil role model din sila sa mga katulad namin.” Sagot naman ni Montero na lalong ipinag-taka ko.

“Role model? Saan banda?”

Lintek na role model yan! Paano kami naging role model sa kanila? By wasting too much money with nonsense things and some fudging travels na wala naman talagang kwenta in the first place?

“Magandang ehemplo sila dahil sa kabaitan nila. Akala ko ba nakasama mo na yung mga iyon? Bakit hindi mo alam ang tungkol dito?”

“I told you, wala akong koneksyon sa kanila.” May diing sabi ko.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon