DEAN’S POV
December 8, 2017
ICU U-WEEK DAY 5
“Happy birthday besshyyy!” napa-iktad ako nung bigla akong yakapin ni Ellaine. Nabalik na rin ako sa ulirat dahil sa ginawa niya.
“Kanina ka pa nagsasabi nyan Ellaine ha, hindi ka ba nagsasawa?” reklamo ko naman sa kanya pero imbes na mainis ay nginisihan lang ako ng bruha.
“Pake mo ba? Kasalanan ko bang birthday mo ngayon!” depensa naman niya. “Ready ka na ba mamaya?” malawak ang ngiting sabi niya.
Umiwas ako ng tingin sa kanya at napa-buntong hininga. “Ewan, hindi ko nga alam eh. Kinakabahan ako.” Totoo talaga, kinakabahan na naman ako.
“Shucks! Deanisse, kinakabahan ka sa debut mo? Sa tanang buhay mo, hindi ka kinakabahan kaya wag kang talk shit dyan ha!” iginala ko nalang ang tingin ko sa palibot nitong venue ng debut ko. Hindi nalang ako sumagot para hindi na madagdagan ang pag-aalala ni Ellaine.
Nandito kami ngayon sa ICU Coliseum dahil dito magaganap mamaya ang debut ko. Kakatapos lang nung misa para sa U-week kaya ngayon ay busy na silang lahat ayusin ang buong Coli para mamaya. Kami lang ni Ellaine ang magkasama ngayon dahil yung mga boys ay may kanya-kanyang lakad. Gusto ko nga sanang samahan si twin bro na asikasuhin ang event pero hindi niya ako pinayagan kaya na-iwan kami ni Ellaine dito. Busy din ang buong pamilya ko, ako lang yung walang ginagawa.
“Ell, hindi ka pa ba uuwi?” biglang tanong ko sa kanya nang hindi man lang siya tinitignan. Naramdaman ko ang tingin niya sakin kaya natignan ko rin siya.
“Aaaahm, hindi pa, bakit?” inosenteng tanong niya.
“Hindi ka ba magbu-beauty rest para mamaya?”
“Hmmmm, I don’t need that because kahit anong haggard ko pa—maganda pa rin ako.” Sabi niya with flipping hair na kasama.
Umismid nalang ako sa inasta ng bestfriend ko at itinuon nalang ang atensyon sa mga trabahanteng busy’ng mag-ayos sa venue.
“TITA ATEEEEEEEE!”
*gulat*
Agad kong iginala ang paningin ko nung marinig ko ang pamilyar na sigaw na iyon. Dalawang boses ng lalaki na pinag-sama kaya mas lalo akong na-excite.
“HI TITA ATE!” nung mahanap ko na ang boses ay agad kong ine-extend ang dalawang kamay ko for a hug. Patakbo naman silang pumunta sakin at dinambahan ako ng yakap.
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanila, para ko silang hindi nakita ng isang taon. Ilang araw ko rin silang hindi nakita kaya na-miss ko lang ang mga pamangkin ko.
“You’re here na, who’s with you?” nung kumalas ako sa yakap ay agad ko silang pina-harap sakin.
Isang madugong labanan na naman ang pakikipag-usap sa kanila.
“HAPPY BIRTHDAY TITA ATEEEE!” napa-taas ko yung dalawang kamay ko nung bigla silang sabay na sumigaw at may itinapat saking tig-iisang papel. Nagulat ako dahil sa sigaw nila pero nagawa ko pang e-check kung ano yung hawak nila. “Happy Birthday Tita Ate, we’ve already greeted Tito Kuya, you nalang po.” Matapos ang sigaw nila ay yun agad ang dinugtong ni Niño.
“What’s this?” patungkol ko sa mga hawak nila.
“It’s a greeting card Tita Ate, it’s obvious kaya.” Pabalang naman na sagot ni Niño na agad kong iniwasan ng tingin para tignan si Ellaine.
