DEAN’S POV
“Luh! Bakit ka ganyan makatingin sakin?” mataray na tanong ko sa kanya. Napatingin naman yung mga kaibigan namin sa kanya.
“Tss, why do you need to expose your shoulder to everyone?” hindi masyadong malakas na sabi nya, enough lang para marinig ko.
“And why do you care ba? Umuwi ako ng Pilipinas hindi para laitin mo lang nang ganyan.” Mas mataray na sagot ko na nakapagpa-ngisi sa kanya. Lalong nagsalubong ang kilay ko. Dahan-dahan syang lumingon sakin then biglang tumayo. Napa-iktad pa nga ako sa pagtayo nya.
“You look so gorgeous with sneakers on.” At matapos nyang sabihin yon ay itinaas nya nang bahagya ang palda ko to expose my sneakers. At dahil sa gulat ay natampal ko ang kamay nya pero ang malanding walanghiya ay tumawa lang.
“Stop that Hunter! Nasa harap ka ng girlfriend mo!” matigas na sabi ko sa kanya na pinandilatan ko pa ng mata.
“Go on Dean, I won’t mind.” Nagtaka ako sa sinagot ni Xofia, lalong-lalo na sa hindi ko maipaliwanag na ngiti sa kanyang labi.
“What the heck? Mag-syota nga kayong dalawa! Bahala kayo dyan.” And I walked out again. Lumabas muna ako sa venue at lumanghap ng sariwang hangin. Lumabas talaga ako sa hotel building para makakita ng something peaceful in my eyes.
I want to smoke!
Pero hindi pa pwede ngayon dahil may responsibility pa ako sa debut ni Sabyna kaya kailangan kong bumalik sa loob bago pa ako ma-pektusan ni Sabyna.
Agad akong bumalik sa loob at pagpasok ko ay saktong oras na para sa 18 candles.
Si Ninang Sabrina yung nasa gitna, katabi ni Ellaine, and she’s holding a mic and obviously, speaking and telling her daughter some heart-warming message. Yung message nya kaninang madaling-araw ay may hawig sa message nya this evening. When she finished talking ay agad sumalubong ang masigabong palakpakan ng lahat. Nakipalakpak na rin ako at nandito ako ngayon sa isang tabi kung saan wala masyadong makakapansin sakin.
Nag-hug ang mag-ina then may picture taking na naganap. After that ay nilagay ni Ninang Sabrina ang candle na hawak nya sa isang candle stand na hugis hagdan na malapit lang sa napaka-laking cake ni Ellaine. Ganun din ang ginawa ng iba pang babae for the 18 candles. Magme-message, eha-hug si Ellaine, magpapa-picture silang dalawa, ilalagay nung babae ang candle sa candle stand, and repeat.
Si Ninang Sabyna ang 1st candle nya. Yung tita niya sa mother’s side ang 2nd. Isang tita naman nya from father’s side ang 3rd. Ang 4th to 6th ay mga pinsan nyang babae. Ang 7th to 14th ay yung mga Ninang nya which is yung mga Ninang din naming magkakaibigan. Ang 15th ay si Xofia. Ang 16th ay yung kaibigan nya from high school na family friend talaga nila. Yung 17th ay yung kaklase nya sa college na for sure, mayaman din. At ang 18th?
“And now, please welcome—Miss Didi Laxamana. The debutant’s bestfriend.” Isang masigabong palakpakan ang umalingawngaw sa loob ng venue matapos akong e-introduce. Umiikot yung spotlight sa paligid dahil hindi pa rin ako nakikita ng lahat kaya dahan-dahan akong lumabas sa kinatatayuan ko at naglakad papunta sa may stage. At doon na ako nagka-spotlight. Hindi ko muna inisip ang ibang tao, kay Ellaine lang talaga ako nakatingin.
Habang papunta ako doon ay may umabot sa akin ng mic.
(Now Playing: Gift of a Friend by Demi Lovato)
Habang papalapit ako sa kanya ay nag-aacapella ako sa kantang pareho naming gusto. It serves as our theme song. Kasi nga kahit na hindi kami lumaki ng sabay pero tinuturing ko syang pinaka-matalik kong kaibigan dahil siya yung naging kasangga ko sa lahat ng girly stuffs. Kahit hindi halatang mahilig ako sa mga girly stuffs.