COLINE'S POV
SATURDAY
"Welcome to Barangay Buenaventura!" pagwe-welcome ko sa magkaibigan na Aly at Iska.
"Ang OA nitong si Coline, alam na naming barangay nyo to no. Hahahahahahaha. Ang yayaman talaga ng angkan nito."
Hahahahahahahahahahaha. Laughtrip talaga itong si Aly.
Sa iilang araw na magkasama kami nitong si Aly ay parang nasasanay na ako sa pagiging jolly nya. Ibang-iba sa kaibigan nya.
"So ano na ang gagawin natin dito? Alam mo bang nagulat pa talaga sila Papa nung sinabi ko sa kanilang gusto kong mag-volunteer sa medical mission na ito." pagku-kwento nya. Naglakad na kami papalapit sa iba pang kasama naming volunteers.
Habang papalapit kami sa tent ay kitang-kita ko ang pagmumukha ng pinsan ko, naka-suot din sya ng t-shirt namin sa medical mission na ito.
At nung malapitan namin ang pwesto nila ay agad ko syang pinansin "Hi Wayne! Mabuti nakapunta ka sa medical mission?" ngayon lang kasi ulit nagka-medical mission sa bayan namin kaya hindi ko malaman kung madalas ba silang sumasali sa mga ganito knowing na kaibigan ni Tito Daniel yung namamahala ng Riverside Medical Mission Team.
"Yow Coline, it's nice to see you too." bahagya kong hinampas ang balikat nya.
"Sarcastic Wayne! As usual." biro ko sa kanya
"Hello Drewayne! Buti hindi mo kasama yung mayabang mong kaibigan?" napalingon ako sa gilid ko nung biglang sumulpot si Karen at sinabi yon.
"Hanggang ngayon ba ma-init pa rin ang dugo mo kay Dos? Buti nalang pala at hindi sya dito naka-assign, baka mag-rambol pa kayo dito. Hahahaha." biro nya kay Karen na inisnob lang ng isa.
"Oh bakit ikaw lang mag-isa dito? Asan na yung ibang kaibigan mo?" tanong ko sa kanya kasi napansin kong wala sa paligid yung mga kaibigan nya.
Lumingon sya sa likuran nya at doon ko nakita ang isang lalaking naka-upo habang naka-headphone. Tinapik nya ito at tinanggal naman nya yung headphone at takang napatingin kay Wayne.
Si Onyx Recto lang ang kasama nya?
"Bakit?" sinenyasan nya si Onyx na tumayo at agad naman itong sumunod.
"Mga pinsan ko nga pala, si Karen at si Coline and---?" binitin nya yung tanong nya at napatingin sa likuran namin ni Karen, sinundan ko naman ito ng tingin at sila Aly pala ang tinutukoy nya.
"Oh, si Aly at Iska nga pala--- mga kaibigan namin." naka-ngiting pagpapakilala ko sa dalawa. Si Aly ay halatang na-amaze sa nakikita nya ngayon sa harapan nya samantalang si Iska ay parang kalmadong walang pakealam sa nangyayari sa paligid nya.
"And Aly at Iska. Friends ng----"
"Hi Iska! Taga-dito ka pala?"
O,O
Nagulat ako sa biglang pagpansin ni Onyx kay Iska. Nilingon namin sya ni Karen at halatang nagulat sya sa pagpansin sa kanya.
Pilit syang ngumiti "A...a-ah, oo. Hehehe." at pekeng tumawa at nag-iwas ng tingin samin.
"Magkakilala kayo besh?" rinig kong bulong ni Aly sa kanya.