Zone Twenty-Two

49 12 0
                                    

SAB'S POV

SUNDAY.

"Sino yang kasama ni Dean?" at binigyan ko nang mapunuring tingin ang lalaking kasama ngayon ni Dean.

"Daig nya pa bubuyog kakasunod sa isang magandang bulaklak ha." pagsang-ayon naman ni Gab.

Nasa ilalim kami ng puno ng mangga dito sa farm na pagmamay-ari ng mga Dela Merced. Gabby is lying on a hammock na nakasabit sa malaking mangga na syang naging silungan namin sa kalagitnaan ng init ng panahon. At ako naman ay naka-upo lang sa bamboo bench. Dalawa lang kami dito kasi bigla nalang nawala yung mga boys at iniwan kami.

Actually fiesta ngayon dito sa Hacienda Dela Merced, San Fernando City. May maliit na community kasi sa loob mismo ng Hacienda Dela Merced kaya every 2nd sunday ng June ay nagpapa-fiesta si Ninong Vaughn.

"Pero Gab! Ano nga kayang nangyari sa dalawa kahapon? Simula nung magkita tayo kanina ay wala man ni isa sa kanila ang nagkwento."

"Hala Sab! Umaasa ka pa talagang magku-kwento yung dalawa?" hindi kuno makapaniwalang sabi ni Gab. Sinimangutan ko naman sya sa inasta nya.

"Psh, baka kasi may nagbago no. Ikaw na nga ang nagsabi sakin na magiging okay sila after nung parusa diba?"

"I don't think so na mababalik sa dati ang lahat Sab, we can't bring their friendship back na talaga kasi may Xofia na si Zeus eh and I guess hindi na talaga sila magbabati." tinignan ko si Gabby dahil sa sinabi nya.

"May na kwento ba si Zara sayo? For sure nandun sya during the punishment." tanong ko ulit sa kanya.

"Sab! Let's talk about it later. I'm really sleepy na." at nilagyan nya ng dalawang slice ng cucumber yung mga mata nya at tuluyang humilata sa hammock.

Hindi ko na sinagot si Gab at nagsimulang maglakad-lakad sa one-fourth ng Hacienda Dela Merced.

Malawak ang Hacienda Dela Merced, may dalawang malalawak na rancho, may ekta-ektaryang lupain at isang community ng mga bahay. Dito sa harapang parte ng Hda. Dela Merced nakatayo ang mansion nila -- dito sa mansion ring ito kami natulog kagabi. Sa side naman ng mansion nila ay yung malawak na manggahan nila at doon din kami kanina naka-tambay ni Gab. Sa likuran ng mansion ay ang malawak nilang rancho. Sa pinaka-dulo pa ng lupaing ito ay nandun naman ang poultry business nila.

Sa lahat ng lupain ng mga Dela Merced na nagkalat sa buong Pilipinas ay ito ang pinaka-malawak na lupain nila at sabi rin samin na ito yung unang lupain nila.

Ah basta! Masyadong mayaman ang mga Dela Merced. Hahahahahaha.

Pumunta ako sa may manggahan para maka-langhap ng sariwang hangin.

"Magandang umaga po Mam Sabena."

"Magandang umaga po."

"Kamusta po Mam Sabena."

Isa-isa kong tinignan yung mga tauhan nila Ninong Vaughn na nandito sa manggahan.

Kilala na nila kami dito kasi minsan dito kami tumatambay pag walang pasok.

"Magandang umaga po sa inyong lahat. Ano pong ginagawa nyo dito? Bakit wala po kayo doon sa fiesta?" sa pagkaka-alam ko ay naghahanda na ang lahat para sa magaganap na kainan mamayang pananghalian. At isang pribadong fiesta ang magaganap ngayong araw.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon