Zone Twenty-Three

54 10 0
                                        

TIM'S POV

"HOOOOOY hintayin mo naman ako." at bigla nalang syang tumakbo paalis sa harapan ko. Matapos yung lunch namin kasama ang Pangulo ay bumalik agad yung medical mission sa kaninang setting nito. At eto namang kasama ko ay magpapatulong daw sa pagbibigay ng mga relief goods sa mga tao pero iniwan ako. Langya!

"Lalampa-lampa kasi. Alam na ngang kailangan nang mabilisang kilos tapos ang bagal-bagal mo pang kumilos dyan! Bilisan mo." sigaw nya sakin.

"Kakakain lang natin eh! Baka magkasakit ako sa appendix nito." at sa wakas ay nasabayan ko na rin sya sa paglalakad.

"Nagpapaniwala ka don? Hunghang ka talaga!" natatawang sabi nya.

♡.♡

Ang cute talaga ng ngiti nya.

"Eh yun naman talaga diba? Nagkaka-appendix ang mga tao dahil gumagalaw-galaw ka after mong kumain." seryoso kong sabi.

"HAHAHAHAHAHAHAHA. May appendix naman talaga lahat ng mga tao. Appendicitis yon hunghang!"

0.0

Yon pala yun?

Napakamot ako sa batok ko "A...a-appendicitis pala tawag dun? N...n-ngayon ko lang nalaman ah. He-he-he." at tumawa ako ng peke. Buysit! Napahiya pa ako. "Edi ikaw na matalino!" sigaw ko sa kanya.

Tumawa nalang sya at nagpatuloy kami sa paglalakad.

Nung makarating kami sa tent ay agad kaming kumilos. Yung mga bata ay naka-linya na at parang kami nalang ang hinihintay.

Nakakahiya naman yon.

Tumabi ako sa kanya at doon ko napansin na nandoon din pala yung si Zeus Aguinaldo the Epal and yung syota nyang si Sofia.

"You should stick with us next time, you're always late." narinig kong nagsalita yung si Zeus Aguinaldo kahit na may tatlong tao ang pagitan namin. Nasa kaliwa ko si Dean, sa kaliwa naman nya ay yung babaeng nag-aya samin kanina mananghalian, sa kaliwa naman nung babae ay ang syota ni Zeus, at sa kaliwa naman nya ay si Zeus na mismo. Gets na?

Hindi sumagot si Dean at sinimulan nanamin ang pamimigay ng mga relief goods sa mga bata.

***

"Hoooooooh! Nakakapagod!" sigaw ko matapos naming makalayo sa mga tao. Nasa kapatagan kami ngayon to be exact. At as usual, kasama ko nanaman si crush ♡.♡

"Edi sana hindi ka na sumali doon kanina."

>.<

Napatigil ako sa pag-eestretch ng katawan ko nang magsalita ang kasama ko. Tinignan ko sya.

O.o

"Nakaka-turn off ka naman!"

>.<

Binugahan nya ako ng usok "So what? It's my life, I can do whatever I want." hinawi ko yung usok na naibuga nya sakin.

>.<

"Wooooh! Gasgas na yang linyang yan ah. May isang stick ka pa dyan?" ibinalik nya sakin ang atensyon nya at naka-kunot noong nakatingin sakin.

"You smoke?" tanong nya kaya tumango nalang ako. Kumuha sya ng isang stick mula sa box ng yosi nya na hindi ko malaman kung anong brand kasi hindi ko masyadong maaninag. "Oh" at inabot nya sakin ang isang yosi at yung lighter nya na lintek naman sa ganda ng design!

The Girl Who SmokeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon