Zone Forty-One

34 7 0
                                        

DEAN'S POV

JUNE  9, 2017

*blink blink*

Napa-kurap ako ng ilang beses bago ako tuluyang bumangon.

Buhay pa pala ako?

Bumangon ako at iginala ang paningin sa loob ng kwartong hinihigaan ko. Meron ng kumot na nakapatong sa ibabaw ng katawan ko. Maliwanag pa kaya agad kong tinignan ang wrist watch ko.

5:33 p.m.

Ilang minuto lang pala akong tulog? Buti nagising pa ako?

Pero sino kaya yung naglagay ng unan at kumot sa akin? Sa natatandaan ko eh dumiretso higa lang ako kanina.

*knock knock knock*

"Iha? Gising ka na ba?" inayos ko yung wig ko para harapin yung nasa labas ng kwarto ko.

Tinig ng isang babae.

"Pasok po. Gising na po ako." Sagot ko sa kanya kaya bigla namang tumunog yung kawayang sahig nitong kubo.

Ang creepy, sa totoo lang. Parang yung nasa horror movies na tunog ng isang pinto—basta parang ganun na nga.

"Bakit gumising ka na agad? Mukhang napagod ka sa byahe ninyo papunta dito ah kasi nakatulog ka kaagad nung pag-alis ni Sara." Sagot naman nya. Siya yung matandang babae na nagsabi sa akin na maganda raw ako *hihih* "Ako nga pala si Merlinda. Tiya Merlinda nalang ang itawag mo sakin iha." Naka-ngiting sabi nya.

"Nice to meet you po Tiya Merlinda." Sagot ko naman sa kanya.

"Asawa ako ni Kapitan Pedro at ako rin ang nagsisilbing ina ng Sitio na ito."

"Wow! So matagal na po pala kayong nakatira dito?" tanong ko sa kanya habang inaayos na nya yung kumot na ginamit ko. Nakitulong na rin ako pero yung unan nalang ang natira sakin kaya yun nalang ang naayos ko.

"Dito na talaga nakatira ang ninuno namin iha, eto talaga ang tribu namin." Tinupi nya yung kumot then she faced me "Handa ka na ba sa iyong parusa?"

Napa-kurap ako ng ilang beses dahil sa sinabi nya. So magsisimula na ba talaga ang punishment ko?

"A...a-ano po ba yun?" na-uutal na tanong ko sa kanya. Medyo pumiyok pa nga yung boses ko pero mukhang hindi napansin ni Tiya Merlinda.

"Halika, sumunod ka sa akin." At tumayo sya tapos lumabas ng kwarto ko. Agad naman akong sumunod sa kanya at paglabas ko ay napahinto pa ako kasi nakatayo lang sa maliit na veranda ng kubo si Tiya Merlinda. May tinitignan sya.

Sinundan ko ng tingin ang direksyon na tinitignan nya. "Nagsimula na yung parusa ni Ser Zus, ikaw nalang ang hindi pa." sabi ni Tiya Merlinda habang nakatanaw sa grupo ng mga lalaking naglalakad papalapit sa isang malaking kubo at may dala-dala silang malalaking timba at container.

*gulp*

*lunok pa*

SHET!

Pinagpapawisan yata ako ng malagkit.

"Okay ka lang ba iha?"

"A...a-ah! Oo naman po. Tara na po." at inunahan ko na si Tiya Merlinda na bumaba sa kubo.

Shet talaga! Bakit ba ako pinagpapawisan at na-uutal?

Eh naka-hubad *gulp* lang naman si Hunter eh, anong masama doon?

The Girl Who SmokeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon