COLINE'S POV
JUNE, 2017
"COLINE! BILISAN MO DYAN, MALE-LATE NA TAYO." sigaw ni Karen mula sa labas ng kwarto ko dito sa bago naming tinutuluyan na condominium.
"OO NA, ANDYAN NA." sagot ko habang chine-check ang loob ng bag ko kung may kulang ba. Lumabas ako ng kwarto nang ganun ang ginagawa. Natigilan lang ako sa paglalakad at paghalungkat ko sa bag ko nang mapansin ko sa labas ng kwarto si Karen na naka-crossed arms at salubong ang kilay. "What?" inayos ko yung shoulder bag ko at tinignan sya. I closed the door of my room and faced her completely.
"Alam mo, simula nung nagkalabuan kayo ni Tim napapansin ko na yung pagiging late mo." natigilan ako sa sinabi nya, ang prangka naman ng babaeng to.
Hinawakan ko sya sa magkabilang braso nya "Alam mo Kar, yang mga ganyang bagay kinakalimutan na. Okay na kami ni Tim, friends na kami kaya wag mo na ulit babanggitin na may masamang nangyari samin nung high school ha? Tara na, late na tayo diba?" at na-una na akong lumabas ng pad namin.
First day namin sa College ngayon at sa ICU kami mag-aaral ni Karen, at since malayo to sa San Fernando, kaya na-isipan namin ni Karen na maghanap ng tirahan dito sa Conception.
Dapat isang apartment lang yung titirhan namin pero Daddy insisted na kumuha kami ng isang buong condominium, wala kaming choice kaya sinunod nalang namin.
Suportado naman nila kami eh.
May kalakihan ang condo na nabili nila Dy, nalakihan siguro ako kasi dalawa lang kami ni Karen na nakatira dito.
May 3 rooms sya, tig-isa kami ni Karen at yung isa ay ginawa naming guest room, in case na may gustong mag-over night na mga pinsan namin dito sa pad namin.
Wala kaming stay-in na taga-linis pero may binabayaran sila Daddy na isang katulong sa bahay na pupunta dito sa pad namin para mag-linis once a week.
Uuwi rin naman kami ng weekends kaya no worries.
Nasa 10th floor ng building ang pad namin kaya kailangan pa talaga naming bumaba sa pinaka-ground floor ng building which is ang parking lot na mismo.
May sarili ng sasakyan si Karen, marunong naman syang mag-drive kaso nung high school kasi tinatamad syang mag-drive kaya may sarili syang driver pero nag-iba yata ang ikot ng mundo kaya sya na mismo yung driver ko ngayon. Buong summer din nya minaster ang sasakyan nyang ito kaya sana lang buo pa ako by the end of this day.
Pharmacy ang kinukuha ni Karen sa college habang ako ay Accountancy naman. Gusto ko kasing maging teller ng banko eh, anoba!
"Bakit ba ang excited mong pumasok sa first day? Eh orientation lang naman yung magaganap mamaya eh." yep, first day of school means orientation. Ang first 1 hour ng school hours ay ang magiging orientation namin this day, good luck lang kung magkasya ang orientation sa iisang oras.
"Hindi ka ba nasabihan ng Students Affairs Office na compulsory ang orientation nato sa mga freshmen?" napa-kunot ang noo ko sa sinabi nya, hindi ko alam yun.
"Hindi, walang may nagbanggit sakin na compulsory pala yan." hindi kasi kami sabay ni Karen nagpa-enroll kasi iba yung sched ng department nya sa department ko. College of Medicine sya tas ako College of Business and Accountancy. "Baka naman sa College nyo lang yan dinamay mo pa ako." ay tinignan ko sya nang mapanuyang tingin.
"Tangek! Freshmen nga diba? FRESHMEN, kaya malamang lahat ng freshmen ng every colleges yun." sabi nya habang nagpapa-park sa napakalawak na parking lot ng ICU. Maka-ilang beses ko nang nakita to pero namamangha pa rin ako sa lawak nito, dinaig ang runway ng airport eh.