Zone Nine

78 10 0
                                    

TIM'S POV

"HI miss, may naka-upo ba dito?" Tanong ko dun sa magandang babaeng naka-upo sa pinaka-dulong parte ng mga nakahilerang monobloc chair.

Kaka-simula palang nung orientation dito sa ICU nung makarating ako, kaya dito ko nalang na-isipang umupo sa pinaka-likod na parte.

Tumingin muna sya sa relo nya bago ulit nag-salita "Di na yata dadating yun, sige upo ka lang." Sabi nya habang naka-ngiti. Na lalong nagpa-angat ng ganda nya.

Ang ganda naman ng isang to. Hahahahaha. Ang swerte naman yata ng first day of class ko, mukhang makaka-bingwit pa ako.

"Ako nga pala si Timotheo Jerome Montero. Tim nalang." Naka-ngiting pagpapakilala ko sa kanya habang inaabot yung kanang kamay ko for shakehands.

Agad naman nya itong inabot ng naka-ngiti pa rin "Robi. Robina Marie Faraon."

Napa-ngiti ulit ako. Nice! Masyadong easy to get ang isang to. Baka type rin ako Bwahahahahahahaha.

"What course?" Matapos yung shakehands namin ay itinuon ko nalang yung buong atensyon ko sa harapan pero paminsan-minsan eh tinitignan ko naman sya.

"Civil Eng. Ikaw?"

"Woah! Nice! CE din ako. Anong block ka?" Excited kong tanong. Kasi naman! Pareho pa kami ng course nitong magandang babaeng ito. Pagkakataon nga naman.

"COE13. You?"

"COE13 din. Nice. Nice. Magka-block pala tayo. Na-iisip mo ba yung na-iisip ko?" Naka-ngiti pa ring sabi ko sa kanya. Nakataas pa ang dalawa kong kilay nyan.

"Syempre hindi kasi hindi naman iisa ang utak natin." Natatawa nyang sabi. Barado ako dun ah.

"Panira ka naman Rob eh." Naka-nguso kong sabi. Natawa naman sya sa ginawa ko kaya lalo ko pang nginusuan.

"Eh ano ba?" Natatawa pa rin nyang sabi.

"Seryoso ako dito kaya wag mo akong tawanan dyan." Biglang sumeryoso yung mukha nya pero bakas pa rin ang pagpipigil nya ng tawa

"Sige na sige na, sabihin mo na yung gusto mong sabihin Mister Montero."

"Hindi mo talaga alam? Hindi kaya destiny tayong dalawa?" Humarap ako sa kanya at hindi na nakinig sa nagsasalita sa may stage. "Kasi tignan mo naman, sa lahat ng pwede kong upuan ay dito ko pa na-isip umupo at ngayon naman iisa pa ang course na kinukuha natin and the best thing is magka-block pa tayo. Isn't it amazing? You're my destiny." Kinindatan ko sya, at nandiri naman sya sa ginawa ko pero alam ko namang pabiro lang yun.

Kaming dalawa lang dito sa pinaka-huling parte ng upuan kaya malaya kaming nakakapag-usap nitong si Robi.

"Gagu! Naniniwala ka dun? Pero sabagay, destiny nga yatang matatawag to."

At dun nagsimula ang tuloy-tuloy na usapan namin ni Robi. Hanggang sa tuluyang matapos ang orientation ay nag-uusap pa rin kami. Ang gaan-gaan nyang ka-usap.

Matapos ang orientation ay dumiretso kami sa room kung saan yung first subject namin. Sabay pa rin kami ni Robi.

Nung makakuha kami ng magandang pwesto sa loob ng classroom ay nagpaalam ako sa kanyang magsi-cr lang.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon