Zone Fifty-Eight

22 4 0
                                    

DEAN’S POV

“MISS D, kailangan na nating umuwi. Delikado na ang buhay mo rito.” Kinakabahang sambit ni Z habang lakad-takbo kaming bumabalik sa kotse ko.

“Bakit ka ba nagmamadali dyan? Ano bang meron?” nagtatakang tanong ko. Medyo nagulat din kasi ako nung bigla syang sumulpot sa harapan namin ni Krypton kanina.

“The Ledesma are here.”

“So?” mataray na tanong ko habang pasakay na sa kotse. Pati yung mga body guards ko ay parang mga timang kung makamasid sa paligid. “Hindi naman nila ako kilala kaya bakit ba ganyan kayo ka-aligaga?”

“Hindi ka nga kilala pero kami—kilala nila kami kaya nag-iingat lang. Mabuti nalang at hindi nila kami nakita.” Aligaga pa ring sagot nya. “Nagkita ba kayo sa loob? Ano kayang ginagawa nila doon?”

Itinuon ko sa labas ng bintana ang tingin ko at piniling hindi pansinin ang tinanong ni Z. Ayoko nang maraming satsat at explanation kaya hindi ko muna sasabihin sa kanila ang nalaman ko ngayong gabi.

Umuwi kami ng bahay na hindi na ulit nagsasalita. Hanggang sa nag-dinner kami with my family ay tahimik ako. Isang ngiti lang ang sinasagot ko sa kanila at minsan naman ay nakikisabay ako. Nandito na nga rin pala yung dalawa kong Kuya to support my twin bro’s game and also for our birthday and the school’s anniversary.

Na-una akong umakyat sa kwarto at sa tingin ko ay naintindihan iyon ng pamilya ko dahil masyado akong pagod para pag-usapan ang mga nangyayari.

Nagpa-lipas ako ng oras sa kwarto ko. Nag-drawing at nag-drawing lang ako ng mga new designs na ilalabas ko for Christmas edition ng DD’s Emporium. Gumawa na rin ako ng plan para sa gagawin naming video presentation.

Kaninang umaga lang sinabi sakin to, gagawa kami ni Rage at Hunter ng isang video presentation na ipapalabas sa Monday. Ako ang pinagawa nila sa concept kaya kailangang pag-isipan kong mabuti. Bali ako yung director, si Rage yung video editor at si Hunter ang gagawa ng music.

Matapos kong mapatay ang oras through doing those stuffs ay na-isipan kong puntahan ang kakambal ko sa kanyang kwarto. It’s past 11 pero alam kong gising pa yon dahil nakita kong online sya sa Facebook. Hahahahaha

Nagdala ako ng pagkain for bribery, alam ko kasing may kasalanan ako kaya susuyuin ko lang yung hunghang kong kakambal.

*tok tok tok*

Kumatok ako kasi naka-lock yung pinto nya, hindi ako maka-pasok.

“NATUTULOG YUNG TAO KAYA UMALIS KA NA.” agad akong napa-poker face sa narinig ko.

“Hunghang ka ba? Sumagot ka pa talaga!” sagot ko naman sa kanya. “Bubuksan mo to o sisirain ko ang pinto mo?”

*open door*

“Ano bang kailangan mo? Magpatulog ka naman.” Masungit na sagot nya pero hindi ko muna pinansin at nagdire-diretso akong pumasok sa kwarto nya. Tinabig ko pa sya kasi nakaharang sa daan.

Inilatag ko ang mga dala kong pagkain sa study table nya, kinuha ko yung popcorn at humilata sa kama nya. “Movie marathon tayo bro!” sabi ko habang nililipat sa iba’t-ibang channels yung tv nya.

“Ano bang ginagawa mo rito?” masungit pa ring sagot nya. Pero hindi ko muna pinansin, nag-hanap nalang ako ng mga movies sa netflix.

“Alam kong masama ang loob mo dahil hindi ako nakapanuod ng game mo kahapon, nagkaroon lang kasi talaga ng emergency eh.” Umupo ako nang maayos at tumingin sa kanya na nasa gilid na ng kama nya.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon