Zone Three

152 11 0
                                    

COLINE'S POV

*TOK TOK TOK*

"Mam Coline, gising na po. Kailangan nyo na pong mag-ayos."

"Hmmm" na-alimpungatan ako sa isang malakas na katok galing sa pinto ng kwarto ko "5 minutes manang, 5 minutes nalang." sabi ko habang nag-iiba ng sleeping position. Ina-antok pa kasi talaga ako eh. At mukhang na-gets naman nung kasambahay namin na kailangan kong magpahinga kaya biglang tumahimik yung labas ng pinto ko. Pero ilang minuto palang ang nakaraan ay may bigla nalang may sumampa sa kama ko at inagaw ang unan na hawak-hawak ko. Napabalikwas pa ako ng bangon nang dahil dun, at ang magka-salubong na kilay ni Karen ang agad na bumungad sakin. "Ano ba Kar, natutulog ako eh." sinabayan ko yung busangot nyang mukha kaya naka-busangot na rin ako.

"OMG Nicoline Rebecca, pagod na pagod na kami kaka-enjoy sa Charter Day ng San Fernando tapos ikaw nakahilata pa rin dyan?" tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at dun ko lang napansin na ayos na ayos yung pormada nya ngayon.

"Eh bakit mukhang fresh ka pa? Mukhang kakaligo mo nga lang eh." nag-crossed arms ako at iniwas ang salubong kong kilay pati na ang paningin ko sa kanya. Sa may bintana nalang ng kwarto ko ako tumingin, at dun ko napagtanto na ang dilim na pala. Ilang oras ba akong tulog?

"Nakaligo na ako't lahat ikaw tulog pa rin, mag-ayos ka na. May dinner sa bahay ni Mayor pina-pasunod tayo nila Mama." at nagpunta sya sa walk in closet ko para mamili ng susuotin. Bagsak ang balikat kong pumunta sa banyo ng kwarto ko at sinimulan ang pagligo at yung ritwal ko. Matapos ang madugong pag-ligo (oo madugo kasi first day ko pala ngayon, mabuti kararating lang, na-agapan pa hahahaha) ay naka bathrobe akong lumabas ng banyo at kinuha yung damit na inilapag ni Karen sa kama ko at muling bumalik sa banyo para naman mag-bihis. Hinayaan ko lang si Karen na mamili sa mga susuotin ko, pagka-ganitong may pa-dinner yung mga pulitiko kasi ay may tiwala naman ako sa mga taste ni Karen, minsan nga sya pa namimili ng mga damit ko pagka nagsha-shopping kami eh. Ganun ka-girly itong si Karen.

Si Karen ay ang napaka-giting kong matalik na kaibigan slash pangalawang pinsan. Karen Jann Buenaventura talaga pangalan nya, mag-pinsan kasi yung Papa nya at si Daddy kaya naging magka-dugo kami. Magka-edad lang kami kaya naging factor din yun para maging malapit kami sa isa't-isa kahit na sa kabilang village pa yung bahay nila.

"Ano bang meron kela Mayor bakit may pa-dinner?" nag-susuklay ako ng buhok habang palabas ng banyo. Nasa harap naman ng dresser ko si Karen, busy mag-lagay ng eyebrows.

"Charter Day ngayon Cous, baka nakakalimutan mo." hindi nya makapaniwalang sabi. "Alam kong nasasaktan ka pa rin sa nangyari kagabi pero wag mo namang abusuhin yung sarili mo, pati nga memorya mo naapektuhan na oh." oh nice, yung nangyari kagabi.

"Wala na yun no. Kaya nga natulog ako buong araw para makalimutan ko yun." sinusuot ko na rin yung sandal na napili na rin ni Karen kanina.

"Hindi sya kawalan cous, kaya wag mo nang iyakan yung Timotheo na yun. Ang dami pa kayang nagkaka-gusto sayo at marami pang mas-gwapo sa kanya. Maghanap tayo mamaya sa bahay ni Mayor. Hahahaha." pero sya lang yung mahal ko. Gusto kong sabihin sa kanya yun pero ayoko nang mag-alala pa sya.

*tok tok tok*

"Pasok" matapos kong sabihin yun ay agad namang bumukas ang pintuan ko at iniluwa nun si Manang Jean.

"Tapos na ba kayong dalawa? Malapit ng mag-alas syete baka hinihintay na kayo nila Mommy mo dun." inaayos na ni Manang Jean yung higaan ko habang sinasabi nya yun.

"Umalis na po ba sila?"

"Aba'y kanina pa iha, ikaw nalang nga ang na-iwan dito. Mabuti nalang at dumating itong si Karen at ika'y ginising." naki-siksik ako kay Karen dun sa harap ng dresser ko at nag-simulang maglagay nang kahit konting make-up man lang.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon