Zone Fifty-Seven

20 5 0
                                    

DEAN’S POV

NOVEMBER 29, 2017

Nagising ako nang dahil sa sakit sa balakang. Nung ma-imulat ko ang mga mata ko ay agad kong iginala ang tingin ko sa kabuuan ng kwartong hinihigaan ko kahit na wala akong suot na kahit anong pampalinaw sa mata. I’m in my room and I’m now wearing my pajamas that I wore last night.

Agad kong hinanap yung glasses ko na nasa usual spot lang nito. Nung masuot ko na ito ay saka lang ako naka-upo sa kama ko. Hinimas-himas ko yung parteng tiyan ko to lessen the pain, kahit na hindi ko ma-get kung bakit sa tiyan ako nagma-massage na nasa balakang ko naman yung sakit. *poker face*

Mag-isa nalang ako ngayon sa loob ng kwarto ko at kaninang madaling-araw pa nakalipat si Hunter sa kwarto ng kakambal ko. Napatitig ako sa sofa na nasa ibaba.

Last night…last night was so amazing.

It was so—OH PAKSHET! MAY BOYFRIEND NGA PALA AKO!!!!!

*pak*

Sinampal ko yung sarili ko dahil sa bigla kong na-alala.

“ANG TANGA MO DEANISSE! BAKIT MO NAGAWA YON?” I frustratedly asked myself, sinabunot ko na rin yung buhok ko para damang-dama ko yung katangahang nagawa ko. “Pero masaya naman yung nangyari kagabi ah?” I stop sabunoting myself then start reminiscing last night. “PERO SHIT KA PA RIN! ANO NALANG ANG SASABIHIN NI KRYPTON PAG-NALAMAN NYA ITO?” at back to sabunot nanaman, tangna! Para na akong isang babaeng nawalan ng bait, shet baka doon na nga ako papunta eh. “Pero hindi nya na siguro malalaman iyon, hindi nya alam yung tungkol samin ni Hunter eh—TAMA! HINDING-HINDI MALALAMAN NI KRYPTON YON!” bumaba ako sa higaan ko atsaka dumiretsong banyo para maligo na.

Pakshet! Unang araw palang namin ni Krypton pero nag-loko na ako. Am I even worthy of his love?

***

“Hoy dragona! Asan ka na? Hinahanap ka na ng kakambal mo.” Medyo inilayo ko yung speaker ng phone sa tenga ko dahil sa sobrang lakas ng boses ni Angelo sa kabilang linya.

“Bakit nanaman ba? Nasa sakin nanaman ba brief nyan?” sigaw ko din pabalik sa kanya.

“Grabe sya oh. Bakit ba brief yang iniisip mo ngayon? Nagiging malibog ka na ba, Deanisse?”

“Shut up hunghan—“ biglang may tumapik sa balikat ko kaya napatingin ako sa kanya. Itinaas nya yung dalawang platito na dala nya. Tumango ako sa kanya bilang sagot. “Mamaya nalang tayo mag-usap, ete-text nalang kita.” Ang huling sinabi ko kay Angelo bago ko ibinaba ang tawag. Itinago ko ang phone ko then nag-pay attention sa kanya.

“Sino yung ka-usap mo?” tanong nya.

“Just a friend, checking me kung nasaan na raw ako.” Tinignan ko yung pagkaing dinala nya.

“Sorry kung hindi tayo makakapunta sa game ha, si Lola kasi eh.” Napatingin ako sa kanya when I heard his apologetic voice.

“No, wag kang mag-sorry. Okay lang naman talaga sakin eh, as long as I’m with you.” At ngumiti ako sa kanya.

“Naks, ang sweet naman ng girlfriend ko.”

Girlfriend ko…

I’ve been aiming and wishing that someday…tatawagin din ako nang ganyan ni Hunter.

But erase that thought because it’s not going to happen. Kasi ako na yung may iba ngayon.

“Kain na tayo, balita ko masarap daw to eh.” At ibinaling ko nalang yung atensyon ko sa pagkaing inihanda nya.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon