Zone Fifteen

46 10 0
                                    

COLINE'S POV


"OH? Daig mo pa yung damit na hindi na-plantsa ah. Anong nangyari dyan sa mukha mo?"

Nandito ako sa canteen ngayon at hinihintay ang pagdating ni Karen at nung dumating na ay lukot na lukot naman ang pag-mumukha ng bruha. Hahahahaha.

"Nakaka-bwisit kasi, Pharmacy naman yung course ko pero bakit na-encounter ko yung Dos Rivera na yun? Medtech yon diba?" kumuha sya sa chips na nasa harapan ko "At isa pa yang Wayne na yan! Kung hindi lang natin pinsan yan, matagal nang tablado sakin ang isang yon eh." na-iirita nya talagang sabi.

"Teka! Relax lang oy, e-kwento mo kaya yung nangyari?" pagputol ko dun sa pagta-tantrums nya.

"Eh kasi..." nagkamot sya sa ulo nya "...kinalaban ko kasi sya sa isang recitation namin. Ako yung kumalaban, ako yung natalo kaya ako yung nagmamaktol ngayon! Ang yabang-yabang ng Dos na yun." 

"BWA-BWAHAHAHAHAHAHAHAHA." halakhak ang na-ibulalas ko. Imbes na sa isipan ko lang dapat yon ay bigla kong na-isatinig. Mas lumukot pa ang pagmumukha ni Karen "Eh wala ka pala eh, ikaw tong mayabang. At talagang kinalaban mo pa ha?" 

"Ang sama-sama mong pinsan ha! Hmmmp." nag-cross arms sya at iniwas ang tingin sakin. Pero ako ay natatawa pa rin sa inaasta nya.

"Teka, bakit naging magka-klase kayo nung si Dos at Wayne? Medtech sila diba? At pharma ka naman." 

Bakit nga ba? Yun yung pagkaka-alam ko eh.

"Yun na nga ang sinabi ko kanina eh. Ewan ko ba, nung pagpasok namin kanina sa classroom namin ay nandun na silang dalawa kasama yung prof namin sa subject na iyon."

"Ah, what do you expect ba naman Karen. Kela Wayne ang school nato." 

"Tsk, oo nga no? Muntik ko nang makalimutan. Buti pina-alala mo." 

"Anong muntik? Ang sabihin mo-- makakalimutin ka na." 

"Waaaaaah nandito na sila."

"Omg. Ang gu-gwapo talaga ng mga varsity!"

"And what the fuck? Kasama sila sa mga bagong players?" 

"Yeah, I heard na nag-try out sila nung summer." 

"They're the best players kaya nung high school days nila. I've seen them numerous times in a sports channel." 

And blah-blah-blah. Kaliwa't-kanan ang naririnig kong impit na kilig, usapan, chismisan nang biglang pumasok sa loob ng canteen ang 'basketball players' daw ng school namin kaya napahinto kami ni Karen sa pagkukulitan.

At halata namang mga basketball players to kasi ang mga height nga naman-- halos maka-abot na sa kisame sa sobrang taas. I'm not joking, ang tataas ng mga basketball players, higante na nga yata ang mga to eh. 

"I've heard sa isa sa mga kaklase ko na they are the university's official basketball players. Yung sa UAAP? Sila yung maglalaro dun." tumango-tango ako sa sinabing iyon ni Karen. I actually heard that UAAP and saw that in tv numerous times already. Ang daming magagaling na players dyan and yes pinapakita sya sa national tv. "And what the hell? Bakit kasama si Dos don?" 

Agad kong tinignan ang mga basketball players na naka-upo na sa kanilang table, sa may gitnang parte ng canteen. 

All eyes are on them. And obviously they don't care. Nakita ko doon sila Wayne at yung mga namumukhaan kong mga kaibigan nya, sila Onyx, Cj, Dos, Max and Vester. "For real? Eh bakit kalahati ng team ay okupado nila? They're freshmen right? How come?" kasi kahit saang anggulo ay nakakapagtaka nga namang kasali sila agad sa team na kung kakalkyulahin ay isa lamang silang mga freshmen sa college.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon