DEAN'S POV
"IF I were you, I wouldn't ask that stupid question. Wag mo nang pangarapin at hilingin na makilala ako because you're only pushing yourself one step closer to your grave." Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Mas lalo ko syang tinitigan hanggang sa siya na mismo yung nag-iwas ng tingin.
"Nice meeting you, Deaney." At bigla nalang siyang umalis. Aaminin ko, nabigla ako sa inasta nya.
"Si Iska ba yon? Anong pinag-usapan nyo?" muntik ko nang masapok si Eros nung bigla syang lumapit sakin. Hindi ko kasi napansin yung paglapit nya. Akala ko talaga nandoon sya sa dance floor kasama ang barkada namin.
"You know that girl?" tumungga ako sa boteng hawak ko.
"Yep! She's my blockmate since first sem." Naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. I smell something meaty here. "Okay! What kind of look is that?" ngumisi ako dahil mukhang nagulat sya sa tingin ko sa kanya.
"May gusto ka ba don?" hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.
"I won't deny that one, she's charming and quiet mysterious and also, she has the talent." Umiwas ako ng tingin sa kanya kasi heto nanaman ang side ni Eros na hanggang ligaw-tingin nalang.
"Why don't you court her? Why don't you make a move?" tinungga nya rin yung red cup na hawak nya. I don't know what kind of liquor he's drinking right now but I bet it's a hard drink.
"Nah! I can't. She likes your twin brother, she likes Bud Wayne."
WHAT?
Napa-nganga ako sa sinabi nya. Gulat akong tumingin sa kanya.
"What? How come? She told you that?" alam kong maraming nagkaka-gusto sa mga kaibigan ko, lalong-lalo na sa kakambal ko pero yung babaeng gusto ni Eros ay may gusto sa kakambal ko? That's rare guys!
"Nope, I can feel it. Atsaka halata naman eh, the way she looks your twin bro. But don't worry, tanggap ko naman yon and besides—maraming babae. I'm willing to wait who's right for me." And then he drink on his cup.
"Yeah! Ganyan nga, pero alam naman nating he still loves his ex. Why don't you save that girl from heartache?"
"I don't want to save her from the heartache; I want to save her from the chaos that we will face once the DAS came back."
"As far as I remember, nananalaytay sa dugo nya ang pagiging Montero and the Monteros are DAS' trusted clan. So ibig sabihin, kahit anong gawin mo, kasali pa rin siya sa mga mangyayari." Inubos ko yung beer na hawak ko at inilapag ito sa katabi kong table na bakante. Kinuha ko yung cup nya at binotooms up ang laman nun. "Ang drama Eros! Alam mo yon?" at sinabayan ko ng tawa yung sinabi ko dahil biglang uminit ang lalamunan ko sa ininom ko.
Shet! Ano ba yung iniinom ni Eros?
"Hahahaha. Dragona ka talaga kahit kalian." Natatawang komento nya na inirapan ko lang.
Pakshet! Para akong mahihilo sa ininom ko.
"Lakas ng tama nung alak mo ah." I shake my head para mawala ang kaonting hilo na nararamdaman ko.
"LET'S GIVE IT UP TO ZEUUUUUS!" biglang nag-sigawan ang lahat ng taong nasa dance floor dahil sa biglang may nagsabi nun. Ano na ba ang nangyayari?
"WOOOOOOOOOOH!" sigaw nung katabi ko kaya napatingin ako sa kanya at ngumiwi pero ang hunghang na Eros—tinawanan lang ako.
"THIS IS GONNA BE HIS LAST SONG! SO LET'S ENJOY EVERYOOONE! WOP! WOP! WOP! WOP!" at nagtatatalon na nga ang halos lahat ng mga taong nandito sa The Pub at nakiki-jam sa DJ.