Zone Seventy-Two

48 4 0
                                    

WILLIAM JAMES FERRER RIVERA
(DOS)


“Day 30, and you’re still lying in this bed. Baby, birthday ni Dos ngayon, pero pinili niyang mag-celebrate ng birthday habang naka-bantay sayo. Ayaw nya raw mag-celebrate kasi alam niyang hindi mo naman raw kakainin ang mga pagkaing ihahanda nila. Baby gising na, miss na miss ka na namin.” Tinapik ko ang balikat ni Zeus para kahit papaano ay kumalma siya. Ilang araw na rin syang ganito.

Birthday ko ngayon pero malungkot ako kasi hindi pa rin nagigising ang kaibigan ko. Umupo ako doon sa bakanteng bangko na katabi lang ni Zeus. “Bud, na-alala mo pa ba dati, yung tuwing birthday ko? Siya yung parating na-uuna sa pagkuha ng cake diba? Kahit na hindi ko pa nahihipan yung kandila ay may kaltas na.” natatawa ako sa tuwing na-aalala ko yun pero bakit ngayon—ang sakit balikan?

Sumandal sa kina-uupuan niya si Zeus at tumingin sakin. “Ah oo, na-alala ko yun. Palagi nga siyang pina-pagalitan ng mga Kuya niya dahil sa gawain niyang iyon at talagang sa birthday mo lang niya ginagawa yon diba? Ang weird ng babaeng ito talaga.” Natatawang kwento naman ni Zeus.

“Ang unfair nga nyan eh, mas gusto niya raw yung cake sa birthday ko kesa sa inyo dahil feeling niya raw mas masarap yon na in fact iisa lang naman ang baker ng cake natin dati, diba?” sabay kaming natawa ni Zeus dahil sa ala-alang iyon. Pero nung matapos na kaming magtawanan ay biglang tumahimik ang paligid at tanging tunog ng machine na naka-kabit kay Dean ang natatanging ingay.

“Alam mo bang gustong-gusto niyang mag-alaga ng aso? Matagal na niyang gusto yon pero dahil sa parati siyang pinagbabawalan ay hindi na siya nagkaroon ng chance na mag-alaga nang ganun.” Kwento bigla ni Zeus kaya napalingon ulit ako sa kanya atsaka kay Dean.

“Eh diba allergy naman talaga si Kuya Drake sa aso? Kaya nga wala silang alagang aso diba?”

“Yeah sort of,” kibit-balikat na sagot niya. “Iinom muna ako sa labas ha? Ma-iwan na muna kita rito.” Tinapik niya ang balikat ko at lumabas ng ICU Room.

Lumipat ako doon sa kaninang upuan ni Zeus kasi mas malapit yun kay Deanisse. Nung tuluyan na akong nakalapit ay hinawakan ko yung kamay niya at bigla akong na-iyak.

“Buddy, gising na, batiin mo naman ako ng isang malakasang happy birthday dyan oh. Atsaka kantahan mo na rin ako ng version mo ng birthday song. Nami-miss ko na yun.” Hindi ko napigilang maluha dahil sa sitwasyon ng kaibigan ko. Yumuko ako habang hawak pa rin ang kamay niya. “Ang lungkot pala pag hindi ka namin nakaka-usap, mas malala pa pala ito sa pangingibang-bansa mo.”

Deanisse, gising na!

~~~


ONYXCIUS EROS GARCIA RECTO
(ONYX)


Day 35 na pero wala pa rin. Ni galaw ng kamay ay wala kaming nakitang sign sa kanya.

“Hindi pa rin ba pumapasok si Zeus sa klase niya?” tanong ni Sab kay Vester kasi nga magka-klase yung huli at si Zeus.

“Hindi na, pinapadalhan nalang siya ng notes, at least nakakapag-aral pa rin siya.” Sagot naman ni Vester.

“Si Wayne naman, hating-hati na talaga ang oras. Minsan na nga lang rin pumasok eh.” Singit naman ni Dos sa usapan.

Lunch time na at nandito kaming lahat –except kay Zeus, Wayne, at Dean – na wala sa tumpokan namin ngayon. Nasa ICU kami at uma-attend ng klase dahil tuloy pa rin ang buhay namin. Kailangan naming magpatuloy.

Napa-iling ako sa mga nangyayari sa amin ngayon. “Isang buwan na tayong ganito pero ang sakit pa rin talaga.” Napabaling kami kay CJ nung mag-salita siya habang nilalaro ang pagkain.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon