DEAN’S POV
MAY 27, 2017
Alas-singko na ng hapon kami naka-uwi sa Conception from our 4 days vacation. Pagkarating sa airport ay nagkanya-kanya kami ng mga kaibigan ko kasi may kanya-kaniya kaming sundo. Special yung flight namin kaya super VIP kami hanggang sa makababa.
Isa lang ang sundo namin ni Delton kasi nga kambal for life kami. Medyo na-disappoint pa nga ako nung makitang si Z at ang iilang body guards lang ang kasama nung driver na sumundo samin sa airport. I’m expecting my parents to be here kasi eh. Hindi ko nalang tinanong si Z about them kasi alam kong mga busy’ng tao naman talaga ang pamilya ko.
Habang nasa byahe pa-uwi sa mismong bahay namin ay hindi ko ma-iwasang hindi mapatingin sa labas ng bintana ng kotse kahit na inaantok na ako.
Ang laki na talaga ng pinagbago ng Conception.
The last time I’ve been here ay hindi pa masyadong malago ang City na ito. Yun ang natatandaan ko.
“We’re here twin sis! Welcome to our humble home.” Huminto ang kotse sa tapat ng isang malaking bahay at nung sabihin ni Delton na bahay nga namin to ay agad kong pinagmasdan.
Lumabas ako ng kotse at sinipat ang bahay.
Pakshet! Modern na modern ang dating.
Mula sa edging ng bahay ay halatang bagong-bago ang bahay na ito.
“Kelan naipatayo to?” naramdaman kong tumabi si Delton sakin habang nakatingala sa 3-storey house na nasa harapan namin kaya tinanong ko na sya agad.
“2 years ago.”
“Ay oo nga pala, sinabi nyo nga pala sakin.”
Na-alala ko kasi dati na sa bahay nila Dada nakatira sila Nanay. Kahit na isang engineer si Tatay ay talagang pinag-planohan at pinagtoonan nya ng pansin ang paggawa ng bahay namin kaya natagalan bago nya nakuha ang perfect design.
And I guess ito na ang bunga ng kanyang paghihirap.
Napangiti ako sa isipan ko.
Ang galing talaga ng Tatay ko.
“Pasok na tayo sa loob, bukas mo nalang tignan yan. Mas maganda yan sa umaga.” Sabi ni Delton at kinaladkad ako papasok ng bahay.
Simple lang ang bahay—may maliit na garden sa tapat ng bahay at may maliit na garahe.
Pagpasok namin sa mismong bahay ay agad may nagpaputok ng party popper sabay sabing “WELCOME HOME ANAK!”
Matapos kong maka-recover sa party popper ay agad kong tinignan si Nanay na inaakbayan ni Tatay at nakatayo sa mismong sala ng bahay.
Napangiti ako dahil sa ginawa nila kaya patakbo akong lumapit sa kanilang dalawa at dinambahan sila ng yakap at halik. “Thanks guys!” bulong ko sa kanilang dalawa. Naramdaman kong mas humigpit ang yakap nilang dalawa sakin kaya napa-pikit ako at napangiti.
“Oy! Sali naman ako dyan.” At naramdaman ko na rin ang yakap ni Delton sa likuran ko.
Group hug na ituuuu!
Matapos ang yakapan naming iyon ay agad akong dinala ng parents ko sa kwarto ko dito sa bahay namin. Excited akong makita ito dahil ideas ko ang naka-design ngayon sa loob ng kwarto ko. Everytime kasi na nakakasama ko sila sa ibang bansa ay tinatanong nila saakin kung anong gusto kong e-design sa kwarto ko kaya ayun—pinapadalhan ko naman sila ng iba’t-ibang design na gusto ko. Kinakabahan din ako sa magiging resulta nun.