DEAN’S POV
HATAK-HATAK ako ni Delton hanggang sa makarating kami sa mansion nila Ninong Vaughn. Tahimik kaming dumiretso sa attic at kahit hindi ko lingunin ang mga nasa likuran ko ay alam kong naka-sunod ang mga kaibigan namin. Pagkarating namin sa attic ay pabato akong binitawan ni Delton kaya lumayo ako sa kanya at eksaktong nasa gitna ako ng kwarto naka-pwesto. Hindi rin ako nagkamali kanina kasi naka-sunod nga ang mga kaibigan namin samin kaya nakapalibot na sila sakin ngayon.
Maldita mode ako ngayon kaya naka-crossed arms akong humarap sa kanilang lahat. May huling taong pumasok sa loob ng kwarto kaya the moment na maka-pasok sya ay binasag ko na ang katahimikan “So anong pag-uusapan natin? At bakit kailangang malayo sa mga tao?” intro ko sa kanila.
“Ano bang nangyayari sayo?” tanong ng kakambal ko kaya napatingin ako sa kanya.
“Anong anong nangyayari sakin?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Ano bang nangyayari sakin? Wala naman diba?” depensa ko. Ah! Alam ko na kung anong gustong pag-usapan nito. “Ikaw lang naman tong matapang na pati yung walang alam ay pinapatulan mo.” Naka-ngising sabi ko sa kanya.
I know he’s trying to prolong his patience pero I know he will eventually fail. Gusto ko ngang umiyak sya sa harapan ko, masyado bang masama? *smirk*
“Pwede bang makinig ka muna sakin?” kalmadong sabi nya nya na nagpa-salubong sa kilay ko.
“At pwede bang ako naman ang paking—“
“Muntikan nang mahulog si Sabyna kay Portia dahil sa katangahan nung taong pinagtatanggol mo Diannah! And do you think we will let it pass?”
Ay lintek naman!
Na-ikuyom ko ang kamao ko at nanggagalaiting tumingin kay Hunter. “Will you shut up Hunter?” nagpipigil-inis na sabi ko sa kanya “Ni hindi mo nga siguro nakita yung nangyari eh atsaka wala namang ginawa yung tao sayo pero bakit kailangang suntukin mo?” pagku-question ko sa naging action nya kanina. Hindi kasi sya basta-bastang nanununtok. “Sabik ka na ba talaga sa labanan at pati yung mga inosenteng tao ay pinapatulan mo?!” dire-diretsong sabi ko, not thinking what will be their interpretation.
Wala na akong pakealam kung masaksihan nila ang pag-aaway namin ni Hunter. Ang importante ay ma-ilabas ko lahat ng nararamdaman ko.
“H…H-HE CALLED ME EPAL DIANNE! HE CALLED ME EPAL AND YOU THINK I LET IT PASS?!” sigaw nya sakin na bahagya kong ikina-gulat.
Tinawag kang epal ni Montero?
Bakit hindi ko narinig yon?
“WHAT THE HELL? EPAL?—EPAL LANG TINAWAG SAYO TAPOS SINUNTOK MO NA? NAHIHIBANG KA NA BA TALAGA?” sigaw ko sa kanya kasi his actions are so irrational. Hindi sya ganito.
“And because of that dumb ay muntik nang mahulog si Sab.” At ngayon ay balik nanaman sya sa pagiging kalmado.
“Nag-sorry na nga yung tao diba? Humingi na nga ng sorry diba? Pero anong ginawa nyo? Pinatulan nyo pa din.” Depensa ko. “Kung hindi ako dumating doon ay baka nasapak nyo ng lahat ang walang kamuwang-muwang na lalaking iyon.” Dagdag na sabi ko and I look at them kasi I’m half disappointed sa inakto nila kanina. Alam ko namang basagulero itong kakambal pero parang wala na yata sa lugar? Atsaka ang ayoko sa lahat—ay yung pinapaki-alaman ang target ko. *poker face*
“Hep! Wala akong kinalaman dyan. Wala ako doon kanina.” Hindi ko pinansin ang sinabi ni Angelo at si Ellaine nalang ang tinignan.
“Nasaktan ka ba kanina Ellaine?” tanong ko sa kanya.
