DEAN’S POV
*hingang malalim*“Kaya mo yan Deanisse!” bulong ko sa sarili ko matapos kong matitigan ang sarili sa malaking salamin na nandito sa dressing room.
Pinalabas ko muna ang mga taong kasama ko kanina rito sa loob ng dressing room para mapag-isa. Total tapos naman din ako sa pag-aayos ay kailangan ko munang ihanda ang sarili ko.
Matapos ang gabing ito ay magbabalik na kami, at ako ay kinakabahan para don. Hindi ko alam kung kaya ko pero alang-alang sa pamilya ko, sa mga taong umaasa sa pamilya namin, at sa mga taong rason kung bakit kailangan naming bumalik ay kailangan kong tatagan ang loob ko. Bahala na kung anong mangyari. Let’s just all go with the flow.
*tok tok tok*
Matapos ang tatlong katok ay bumukas naman ng kusa ang pinto kaya tumingin ako doon sa pamamagitan ng salamin na nasa harapan ko. “Hi anak, are you ready na ba?” malawak na ngiting bati niya sakin kaya hinarap ko siya at agad na niyakap.
Alam kong nagulat siya sa ginawa ko pero agad niya rin namang tinugunan ang yakap ko. “Nay, thank you for giving me strength. Thank you for giving me life.” I said between our hugs.
“No anak, God gave your life. He just made me a bearer and I’m so lucky na kayo ni Wayne ang binigay niya sakin 18 years ago. I’m more than thankful too anak, kami ng Tatay mo and the rest of the family.” Sagot naman ni Nanay habang naka-yakap pa rin kaya mas lalong hinigpitan ko ang yakap sa kanya.
“I love you Nay, I love you so much!” buong lakas kong pinigilan ang sarili ko para hindi ma-luha dahil ayokong e-spoil ang moment namin ni Nanay.
Si Nanay na mismo ang kumawala sa yakap at hinarap ako while her hands are still in my bare shoulders. “I love you more anak, and don’t forget that I’m always here for you,” Hinalikan ako ni Nanay sa noo, dinama ko ang halik niyang iyon kaya pumikit ako. And swear, feel ko sa pamamagitan ng halik niyang iyon ay para na rin akong binalutan ni Nanay ng isang shield para ilayo ako sa gulo. Ganyan ka lakas ang pagmamahal ni Nanay samin. “Tara na, we need to start the program early. You know naman diba?”
“Oo nga po, tara na po.” at umangkla ako kay Nanay habang papalabas kami ng dressing room.
Pagkalabas ko ay merong iilang taong naghihintay samin, hindi namin sila pinansin ni Nanay at naglakad nalang papunta sa mismong Coli, naka-sunod din naman yung mga naghihintay kanina sa labas.
“Haaaaay, ang ganda na talaga ng anak ko. Dalagang-dalaga na talaga.” Agad akong napalingon kay Nanay dahil sa sinabi niya habang naglalakad kami. Napa-ngiti ako nang nakakaloko sa sinabi niya.
“Nay, since birth.” Pa-alala ko sa kanya na lalo niyang tinawanan.
“Since you’re still inside my stomach anak.” Sabay kaming napatawa ni Nanay dahil sa binanat niya.
Kahit papaano ay nawala ang kaba at ang bigat sa dibdib ko. Dahil sa tawa ng Nanay ko ay nagkaroon nga ako ng lakas ng loob para sa mga susunod na araw, hindi lang para ngayon. Indeed, she’s the light of the home, our home.
***
I am now wearing my first gown which is called ‘the galaxy gown.’ If you still remember Zone 57, I spoiled you my gowns that I will use on my debut and now is my debut kaya naka-hilera na sila doon sa dressing room ko para sa changing of costumes.
Malaking pintuan at magarang hagdan, yan ang mga common entrance na ginagamit during debut celebration at wala din dyan sa dalawa ang magiging entrance namin ni twin bro.