DEAN’S POV
BUONG araw akong naging okupado sa inasta ni Montero kanina. Parang hindi na sya yung lalaking una kong nakilala, yung lalaking mahal na mahal ako.
At dahil masyado akong bothered sa behavior ni Montero ay pinatawag ko ang four watchmen ko dito sa mansion nina Dada. Yung sa mismong hideout ng DAS.
“Sabihin nyo sakin, bakit naging ganun si Timotheo Montero? Anong nangyari sa kanya nung wala ako?” mahinahon pang sabi ko. Walang sumagot, walang tumingin sakin. “I’ll give you time to tell me what happened.” Sumandal ako sa swivel chair at nagawa ko pang umikot-ikot para pakalmahin ang sarili ko. Tahimik pa rin sila at walang nag-salita sa kanila matapos kong magtanong. “So wala talagang magsasalita kahit isa sa inyo?” tumigil ako sa pag-ikot at hinarap ko sila. Ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa ibabaw ng lamesa.
*BLAG*
“WHAT THE HELL HAPPENED TO TIM MONTERO WHEN I LEFT THE PHILIPPINES?” at hindi ko na nga napigilan ang sarili ko. Ibinagsak ko nang tuluyan ang kamay ko sa lamesa para doon ilabas ang init ng ulo ko. “TANGNA! MAG-SALITA KAYO!” mas yumuko sila at halos itago na nila ang mga ulo nila sa ilalim ng lamesa.
“M…m-miss D.” padarag kong inilingon ang ulo ko sa pwesto ni Jike nung bigla syang mag-salita. “P…p-please huminahon ka po muna.” Pagpapakalma nya sakin.
“You’re asking me to calm down?” sarcastic na tanong ko sa kanya pero bigla nyang tinanguan nang hindi nakatingin sakin. “Pwes, mag-salita kayo.” Ini-relax ko ulit ang likod ko sa swivel chair.
“H…h-hindi po namin alam ang buong kwento. Nagulat nalang po kami na isang araw ay kasapi na si Tim sa sindikato ng mga Ledesma. Nalaman nalang po namin na nagbago na sya dahil isang araw ay parang hindi nanamin sya kilala kahit na sumasama pa rin sya samin. Hindi namin pinahalata sa kanya na alam naming may nagbago, hanggang sa nakita nalang po namin ang tattoo nya sa pala-pulsohan nya.” Napa-iwas ako ng tingin sa kanila at kinagat ang pang-ibabang labi ko.
Sinasabi ko na nga ba.
“Paanong nangyaring nahanap sya ng mga Ledesma?” matapos kong makagat ang pang-ibabang labi ko dahil sa inis ay na-isipan kong itanong yon. “Akala ko ba naka-bantay kayo sa kanya? Pero bakit nagkaganito?” hinawakan ko ang edge ng lamesa para doon naman ilabas ang nginig na nararamdaman ko.
“M…m-miss, yung labi mo—“ agad kong hinawakan ang labi ko dahil sa biglang sinabi ni Megan. Naramdaman kong medyo basa yung labi ko kaya tinignan ko yung kamay kong humawak doon.
And I saw blood in my fingers.
“Miss oh.” Agad akong kumuha ng tissue sa ibinigay na tissue box ni Robi sakin. Ipinahid ko yon sa bibig kong dumudugo.
Matapos kong pahirin ang bibig ko ay napatitig ako sa sahig. “Gusto kong imbestigahan ninyo ang nangyari behind Tim’s situation. Gusto kong makita ninyo ang bawat detalye. May kutob akong ginagamit lang sya ng mga Ledesma against us.” Tinignan ko sila isa-isa. “Anong meron kay Tim at Xofia Laxamana? Bakit nandoon sya sa labas ng classroom natin kanina?” tumaas yung isang kilay ko dahil biglang nasagi sa isipan ko ang nakita ko kanina.
They exchange looks and alam kong merong mga ibig sabihin ang tinginan nilang iyon.
“H…h-hindi nyo po ba alam?” at nakita ko ang pagbalatay ng pagtataka sa mukha ni Jike nung itanong nya sakin yon.
“Ang ano?” at mas lalo akong nagtaka sa nangyayari sa paligid ko. “Meron ba akong dapat malaman na hindi ko pa alam?” dagdag na tanong ko sa kanila. Nag-iwas ng tingin si Jike sakin at nabaling ang tingin nya kay Digit, Megan, and Robi.