Zone Six

93 10 0
                                    

ZARA'S POV


"THIS is Captain Morales speaking, we just safely landed in Majestina Dela Ayala International Airport. Welcome to the Philippines Master Ed, Queen Isabelle and Miss D."

Sabi nung piloto nitong eroplanong sinasakyan namin. Nagsimula nang magsi-ayos ang mga kasamahan ko sa loob ng eroplanong sinasakyan namin na mahigit 50 ka tao lang ang nakasakay. It's a private plane to be exact.

Tumayo ako para ayusin ang mga gamit na bibitbitin ko, isang maliit na bag lang naman ito pero kailangan paring ayusin. Tsaka ko sinilip yung pwesto ni Miss D na hanggang ngayon ay mahimbing pa rin ang tulog. Sabagay, nakakapagod nga naman ang kalahating-araw na pag-byahe. Napa-alis ako sa kinatatayuan ko nung lumapit si Master Ed at Queen Isabelle, nag-bow ako sa kanila para magbigay-galang.

"Ang cute talaga ni baby princess natin Ed no? She's always a sleepyhead kahit saan mo dalhin." Nakikinig lang ako rito sa usapan ng mag-asawa habang nakatingin sa kanilang apo na ang himbing pa rin talaga ng tulog.

"Yep, just like you." natatawang sagot ni Master Ed sa sinabi ni Queen Isabelle. Agad naman sya nitong pinalo sa may balikat nya at naka-ngusong nag-salita.

"Kagandahan ng apo natin ang namana nya sakin, baka nakakalimutan mong ang lakas mong humilik na obviously ay namana ni Diannah sayo." nagpipigil ako ng ngiti sa sinabi ni Queen. Tama naman kasi sya kasi as of the moment ay humuhilik ang kanilang apo sa kanilang harapan.

"Master, it's ready." sabay-sabay kaming napatingin sa nagsabi nun, isa sa mga men in black pala ni Master. Tinanguan lang sya ni Master Ed at nagsimulang maglakad palabas ng eroplano habang naka-alalay sa kanyang maybahay. Pero huminto sila sa harapan ko at lumingon si Queen sakin.

"Ikaw nang bahalang gumising sa kanya Zara ha, kaya mo na yan."

"Yes Queen." nag-bow ulit ako at nagpatuloy na silang nag-lakad. Nakababa na halos lahat ng men in black nila Master Ed so kaming dalawa nalang ni Miss D yung na-iwan dito sa loob ng eroplano. Lumapit ako sa kanya at marahang niyugyog ang balikat nya "Miss D, gising na po." agad akong lumayo matapos kong gawin yun kasi alam ko na ang kasunod nito.

"AAH!" napangiti nanaman ako sa posisyon ni Miss D ngayon, naka-upo na sya tapos yung posisyon ng kamay nya ay parang may sinusuntok. Naka-piring pa yung mga mata nya na may headphone pa sa tenga. Nanununtok kasi si Miss D pag-sapilitan syang ginigising.

Tinanggal nya yung naka-piring sa kanyang mata at nakapikit pa sya habang tinatanggal yun, naniningkit ang mga mata nyang tumingin-tingin sa paligid nya. Nang maka-adjust na yung paningin nya ay agad syang napatingin sakin. "Are we here already?" tumango ako bilang sagot. "Sila Dada?" patungkol nya kay Master Ed.

"Naka-baba na Miss D." inayos-ayos nya yung damit nya at sinuklay bahagya yung buhok nya gamit yung mga daliri nya. Humarap sya sakin at bigla nalang akong hinigit palabas ng eroplano. Nabitiwan nya yung kamay ko nung nasa bukana na sya ng pinto. At dahil nasa likod nya ako kaya kailangan ko pa talagang sumilip para makita kung sino yung mga nakikita nya sa ilalim.

"MI FAMILIAAAAAAA!" sigaw ni Miss D bago patakbong bumaba ng hagdanan. Nasa ilalim kasi yung pamilya nya para salubingin ang pagbabalik Pilipinas nya pati na nina Master at Queen. Bago ako bumaba ng hagdan para sundan ang boss ko ay nilanghap ko muna ang hangin ng Pilipinas, it's good to be back.

~~~

SAB'S POV

"Ano na? Nakarating na ba sila sa Pilipinas? Bakit si Zeus wala pa? Si Deanisse? Ano na Gabrielo! Mag-salita ka naman dyan oh." ngayon yung dating ng dalawa kong kaibigan pero sa kamalas-malasan eh schedule ng pagji-gym ko kaya hindi ko alam kung naka-uwi na o kung ano na ang nangyayari sa dalawa kong kaibigan na nagbabalik Pinas. Kaya nung nag-water break ay I grab my phone para tawagan itong si Gabby. Ang daya kasi nila, hindi na sila nagji-gym.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon