Zone Eleven

69 10 0
                                        

SAB'S POV

"OH? Anong sabi? Nasan daw sya?"

Matapos kong makipag-usap dun kay Gabby ay yan agad ang pambungad na tanong ni Dean sakin.

"Nasa mall daw sya eh pero may pasok pa daw sya kaya pabalik na dito yun." Umupo ako sa harapan nya.

Andito kami ngayon sa 2nd floor ng Cafeteria. Yung pwesto namin kaninang lunch ay same pa rin.

Dalawa lang kami ni Dean dito kasi yung iba may pasok pa.

"Wala ka na bang klase?" Tanong ko sa kanya na busyng-busy sa phone nya. "Ano ba yang pinagkaka-abalahan mo dyan sa phone mo? Pansin ko kanina mo pa hawak yan ah."

Nakakapanibago lang kasi na palagi ng may hawak na phone si Dean ngayon. Usually kasi hindi mahilig sa mga smartphones yun eh, more on camera sya.

"Wala. Nagpapalipas-oras lang."

"Eh kung ako yung ka-usapin mo no? Psh. Siguro may boyfriend ka na tas hindi mo lang sinasabi samin."

"Ha? Ano ba yang pinagsasabi mo dyan? Wala akong boyfriend no." At tinago nalang nya bigla yung phone nya sa bag nya.

"Whatever. Wala ka na bang klase?" Tanong ko ulit sa kanya. Kumakain na sya ngayon at ako naman ay nakatingin lang sa kanya.

"Wala na. Hinihintay ko nalang yung 6 p.m." nagtaka naman ako bigla sa sinabi nya.

Taas-kilay akong tumingin sa kanya "Ano bang meron sa 6 p.m. na yan? Si Gabby may pasok ng 6 p.m. tas ikaw naman hinihintay yun." Nagtataka ko talagang tanong kasi wala lang, nakakapagtaka lang talaga.

"Alam mo, ang OA mo Ell. Para 6 p.m. lang ginagawa mo talagang big deal." Napapa-kamot pa sya sa ulo nya habang sinasabi yun. "Eh ikaw? Sabi mo kanina wala ka ng klase today, eh bakit nandito ka pa rin?" Ma-angas na tanong nya.

Isang irap lang ang sinagot ko sa kanya at hindi na nagsalita pa.

Maya-maya lang ay dumating na si Gabby kasama si Onyx. "Oh? Akala ko mag-isa ka lang sa mall kanina?" Nakaturo kong sabi sa kanilang dalawa ni Onyx.

"Nakita lang ako ni Onyx dun sa labas ng cafeteria kaya sabay nalang kaming umakyat dito." Kumuha si Gabby sa fries na inorder namin ni Dean kanina. Marami-rami naman kaya ang dami pang natira.

"Hindi ka pa ba uuwi Dean? Di ba kayo sabay ni Wayne?" Si Onyx.

Hindi na ako nakinig sa usapan ni Onyx at ni Dean kasi agad akong bumulong kay Gabby na busy pa ring kumain ng fries.

"Huy! San ka ba talaga galing? Parang gutom na gutom ka naman. Impossible namang sa mall ka talaga galing."

Kilala ko to si Gabby eh. Pagka-ganitong solo flight syang pumupunta or kahit na meron syang kasama pag pupunta sya sa mall ay hindi talaga kumpleto ang shopping moment nya kung hindi sya dadaan sa isang kainan. Anything basta makakain lang. Kahit na ballpen lang sa bookstore yung bibilhin nya, kailangang dumaan muna talaga sya para kumain. Ganun ugali ng baklang to.

"Kumain naman ako sa cake shop nyo kaso nawalan ako ng gana kasi nakita ko si Zeus with the kontrabidang Xofia." Na-iinis na bulong nya.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon