Zone Five

112 11 0
                                        

ISKA'S POV


SAN Fernando National High School's Graduation Day.

Eto na! Eto na ang araw na pinaka-hihintay ko sa lahat. Ang araw ng pagtatapos ko sa sekundarya. Ang sarap sa pakiramdam na sa anim na taon ko sa high school ay matatanggap ko na mamaya ang pinaghirapan kong diploma at iilang medal. 

Kahit na hindi pa yun yung totoong diploma ay masaya pa rin akong tatanggapin yun. Halos hindi ako nakatulog kagabi sa kaka-isip kong anong magiging reaksyon ko mamaya pag-sasabitan na ako ng mga medalya at kung anong mangyayari sa speech ko. Bukod sa akin at sa adviser kong si Miss Arellano ay wala ng ibang nakaka-alam sa kung anong laman ng graduation speech ko. Hindi ko pinabasa maski kela Mama para naman kahit papano ay ma-surpresa sila sa sasabihin ko. 

Ma-ingay at abala ang lahat ng nasa bahay para sa kaonting salu-salo na magaganap mamaya sa bahay pagkatapos ng graduation ko. Nandito kasi yong mga kamag-anak ni Papa at iilang kamag-anak ni Mama kaya sa sobrang saya nung mga magulang ko ay nagpahanda sila. Pati nga kapit-bahay namin ay tumulong sa paghahanda. Ang saya lang tignan na nagkakawang-gawa ang mga kapamilya, kapuso, kapatid, at kapit-bahay ko para sa pagtatapos kong ito.

Actually, double celebration ito kasi si Kuya ay nagtapos na ng kolehiyo, nung isang araw yung graduation nila sa ICU at ngayon sinabay ang handaan nya. Bilib nga din ako sa Kuya kong yon kasi kahit na mukhang adik at hindi matino yon pero naging cum laude naman yung isang yon. Isang himala talaga, mabuti naman at nagtino na sya no.

"Handa ka na ba anak?" tumango ako kay Mama habang naka-ngiti.

"Let's go?" narinig kong sabi ni Papa mula sa labas ng bakuran namin. Nasa likod ng bahay ang mga naghahanda at dito naman sa maliit na bakuran na nasa tapat ng bahay namin magaganap mamaya ang kainan.

Lumabas na kami ng bahay ni Mama at sumakay na sa sasakyan na si Papa ang magda-drive. Tatlo lang kaming pupunta sa skwelahan kasi susunod nalang daw mamaya si Kuya.

"Sa school nalang daw natin hintayin si Ate Grethale mo." sabi ni Mama mula sa front seat ng sasakyan. Nasa back seat kasi ako at naka-tingin lang sa labas ng bintana. Kahit na ang lapit ng skwelahan namin sa bahay ay nagawa pang magsasakyan ng mga magulang ko. Mahal pa naman ang gasolina ngayon.

"Ok po Ma." ang naging sagot ko.

Pagdating namin sa skwelahan ay agad hinanap ng mga mata ko yung mga kaibigan ko, hindi naman ako nabigo kasi agad ko silang nakita.

"Graduation ba talaga itong napuntahan mo Alyssa? Bakit sabog na sabog yata yang make-up mo?" puna ko sa kanya. Maganda naman sya sa make-up nya, umangat pa nga yung kagandahan nya ng dahil dun.

"Bumalik ka nalang sa pagiging ignorante Iska please." mataray na sabi nya "Pero aminin mo, ang ganda ko today." sabay lagay ng buhok nya sa likod nya na padarag.

"Kelan ka ba naman naging pangit? Ikaw na nga nagsasabi sakin na maganda ka araw-araw ah."

"Heh! Epal ka talaga Iska, pero yung sa graduation speech mo ha? Galingan mo later." at nakipag-beso sya sakin. "At naku Iska! Nandyan yung may-ari ng ICU, sabi ni Miss A kanina na sila raw mismo ang mag-aabot nung award mo sa scholarship. Yiieeeeee." natigilan ako sa sinabi ni Alyssa. May-ari ng ICU? Ang mga Dela Ayala? So nandyan din sya? "Hoy? Okay ka lang? Natulala ka yata?"

"O...o-okay lang, palagi kaya akong tulala." pekeng ngiting sabi ko sa kanya. Napangiwi naman sya sa sinabi ko.

"Ay bahala ka na dyan. Basta good luck later. AJA!" at nakipag-fist bump pa sya sakin.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon