Zone Ten

65 10 0
                                        

SAB'S POV

"LINTA lang, bakit nandito yung bruhang Xofia?"

After lunch ay umalis agad si Dean kasi may 1 p.m. class sya samantalang kami ay 2 p.m. pa lahat ang klase.

Nagpa-iwan kami dito sa pwesto namin sa cafeteria para pag-usapan yung sinend na message ni Vester samin kanina.

Perfect timing to kasi wala si Dean. Hindi nya maririnig.

"Akala ko ba hiwalay na sila? Bakit biglang nandito? At ano kamo? Tinawag syang baby?" Paninigurado ko sa sinabi ni Vester kanina.

"Hindi ko nga rin alam eh, pina-alis nalang ako bigla ni Zeus dun para masundo ko si Dean sa room nila. Sa madaling salita, iniwan ko lang sila dun."

"Relax nga lang kayo, baka nagkabalikan lang yung dalawa. Hindi lang natin alam." Sabi ni Max

"Eeeeeeeeeeeeeh." Naka-nguso kong sabi "Pano na yung tambalang 'Zeanisse'?"

"Yeah, I really ship Zeanisse tho. Kung pwede nga lang e-suggest ko kay Lolo na gawan sila ng isang teleserye eh ginawa ko na." Pagsang-ayon naman ni Gab sa sinabi ko.

Bagsak na bagsak ang mga balikat namin ni Gab habang unti-unting nagugunaw ang pangarap namin para sa dalawa.

"Aba'y ewan ko sa inyo, kayong dalawa lang naman tong nagpupumilit na magkatuluyan yung dalawa." Si Dos

"Oo nga. Tsaka alam nyo ba yung nararamdaman nung dalawa? Pag ba nalaman ni Dean na nandito yung girlfriend ni Zeus eh sigurado ba kayong maapektuhan yung isa?" Si Max

"I know my twin sister, she has no interest with that. Kahit pa pagselosin mo sya ng sandamakmak na babae o ano pa---- lalabas at lalabas ang kayabangan ng isang yon. Hahaha." Si Wayne

"Pero pre, alam naman nating may gusto si Zeus kay Dean diba?" Si Vester

"Oo nga, may gusto nga si Zeus kay Dean. Pero pano yung nararamdaman ni Dean? Hindi nga natin alam kung sinong boyfriend nun sa sobrang malihim eh." Si Onyx

"Manhid si Dean diba? Kaya nga minsan naaawa ako kay Zeus kasi dedma sya always kay Dean." Si CJ

Nagpalipat-lipat sa kanilang anim yung paningin ko. Isa-isa kasi silang nagsalita.

"Aaaaah basta! Zeanisse pa rin kami ni Gab. Diba Gabby?" Baling ko kay Gabby.

"Yeeeeeesh naman! Para san pa't galit na galit itong si Princess Diannah natin kay King Zeus diba? Para san pa? Diba 'the more you hate; the more you love'? Naniniwala lang kasi kami ni Sab na may feelings naman itong si Dean kay Zeus. Pero ang mayabang, in denial lang." Mahabang litanya ni Gabby.

"May feelings nga---- matinding hatred naman. Hahahaha." At sabay-sabay na nagtawanan yung anim.

Isang matinding death glare naman yung binigay namin ni Gabby sa kanila na nakapagpa-tahimik naman agad sa kanila.

"Kaya hindi kayo nagkaka-lovelife eh. Hmp. Alis nako, may klase na kasi ako." At umalis na ako sa table naming iyon

The Girl Who SmokeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon