Zone Seventy-One

31 4 0
                                    

NARRATOR’S POV


Kinalabit niya ang gatilyo dahilan para mawalan siya ng buhay. Binitawan niya ang baril at bumagsak ang walang malay na katawan ni Tim Montero. Agad dinaluhan nang naghihinagpis na ina ang kanyang walang malay na anak.

“Anaaaak!” walang ibang nagawa ang kanyang ina kundi ang sumigaw. Sumigaw siya nang malakas.

“Kuya Marcus, anong ginawa mo?!” sigaw ni Caleb Ledesma sa kanyang Kuya na siyang may sala kung bakit nawalan ng buhay ang walang muwang na si Tim Montero.

Nagulat si Marcus Ledesma dahil sa nangyari pero wala na siya sa tamang pag-iisip. Kinuha niya yung baril at agad itinutok sa mga kapatid niya. “Wag kayong lalapit sakin,” sabi niya habang papa-atras. Tinutukan niya ng baril ang mga kapatid niya at mga pamangkin na nandoon sa loob ng kwartong iyon. “Wag niyo akong susundan!”

Kailangan niyang tumakas. Yan ang laman ng kanyang isipan. Wala siyang ibang inisip kundi ang takasan ang lahat ng ito. Wala na ang kanyang Papa, wala na rin ang kanyang anak, ano pa ang saysay ng buhay niya?

Lumabas siya ng kwartong iyon pero saktong paglabas niya ay ang pagdating ng grupo ni Daniel Dela Ayala. Hindi nagpatalo si Marcus Ledesma at nakipag-barilan siya sa mga ito. Hindi siya sumuko kahit 1 vs. 9 ang labanan.

Sa huli, napuruhan si Marcus Ledesma dahilan para ito’y ikamatay niya. Tatlong tama sa ulo at limang tama sa bandang dibdib, yan ang nagpabagsak sa isang demonyong si Marcus Ledesma.

Nung matumba sa sahig si Marcus Ledesma ay agad nilapitan ni Daniel Dela Ayala at ng kanyang mga kasamahan ang bangkay nun. Sinipat niya ito ng tingin bago umupo sa tabi ng bangkay. “Pasukin niyo ang kwarto.” Utos niya sa mga kasamahan niya.

Na-iwan siya sa labas kasama ang bangkay ni Marcus Ledesma. Nag-sign of the cross si Daniel Dela Ayala sa harapan ng bangkay bilang respeto. “Sana nakuha mo ang hustisyang inaasam mo. Titigil na kami sa kaguluhang ito, kinuha mo na pati mga magulang ko.” Bukal sa loob na sabi ni Daniel Dela Ayala as if Marcus Ledesma can hear what he’s saying.

Nasasaktan ngayon si Daniel Dela Ayala dahil sa pagka-wala ng kanyang mga magulang at ang sitwasyon ng kanyang anak, pilit niya lang tinatatagan ang sarili niya para sa mga taong umaasa sa kanya.

Hindi rin naman nagtagal ay sumunod si Daniel Dela Ayala sa loob ng kwartong nilabasan ni Marcus Ledesma kanina. Pag-pasok palang niya ay narinig na niya agad ang palahaw ng isang inang naghihinagpis sa pagkawala ng kanyang anak. Nagulat si Daniel Dela Ayala dahil sa nadatnan niya.

Nasa tabi lang ni Trina Montero si Walter Rivera, isa itong doctor. “Buhay pa siya, kailangan lang natin siyang dalhin sa hospital bago pa siya maubusan ng dugo.” Dali-daling binuhat ni Ivan Ledesma, Clyd Ledesma, at Rezmor Ledesma ang walang malay na si Tim Montero. Lumabas ng kwartong iyon si Walter Rivera kasama si Carlos Legazpi at naka-sunod naman sa kanila ang magpi-pinsang Ledesma para madala agad sa hospital si Tim Montero.

Dahil sa sinabi ni Walter Rivera ay kahit papaano ay nabuhayan ng loob si Trina Ledesma. Nilapitan siya agad ng mga kapatid niya para alalayan siya. “Alam kong wala kayong kinalaman sa pagkamatay ng mga magulang ko pero may kinalaman kayo sa pag-kidnap sa anak ko. Gusto kong aregluhin ito habang kaya ko pa ang mga nangyayari kaya sumama kayo samin.” Seryosong saad ni Daniel Dela Ayala na kay Trina Montero lang nakatingin.

Agad namang tumango si Trina Montero bilang panganay. Sang-ayon din naman ang mga kapatid niya dahil napag-usapan na nila ito bago paman sila maabutan ni Marcus Ledesma kanina. Remember nung pumasok lang bigla si Tim Montero sa kwartong iyon? Nag-uusap na sila nun and yun ang pinag-usapan nila.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon