DOS’ POV
FRESHIES DAY.
“I know some of you are still wondering what is Lakambini.” Pagpapatuloy ni Prof Tan. “Gaya ng sabi ko kanina, ang Lakambini ang magiging official girl group ng Music Organization ng ICU. Limang babae ang magiging myembro nito at pipili kami sa inyo mga freshman!”
Nag-ingay ang lahat ng taong nandito sa loob ng Coliseum. Lahat sila ang tataas ng energy, maliban sa aming magbabarkada. Tahimik lang kami dito sa aming pwesto. Walo lang kami dito kasi yung si Zeus ay kasali pala sa Mr. Freshman.
Hindi man lang nagsabi, hindi tuloy kami naka-handa ng banner. Hahahaha.
May 15 chairs ang nandito sa pwesto namin, consist of 3 rows. At kaming walo lang talaga ang naka-upo dito. Nasa last row kami ni CJ samantalang nasa unahan naman ang iba pa. Naka-crossed arms akong nakatingin kay Prof Tan na medyo malayo samin kasi nasa stage sya ngayon.
“Anong trip nila? Ang dami ng organizations dito sa ICU ah, tas idadagdag pa nila ang Lakambini na yan?” tanong ko kay CJ na katulad ko na nakamasid lang din sa paligid.
“I heard kay Ninang Angelica na may bagong reality tv show daw ngayon ang tv network nila, at balak nilang isali ang bubuuing grupo ni Prof Tan sa tv show na iyon.” Sagot naman ni CJ
Naka-ngiti akong umiling dahil sa sinabi nya “Nabigyan nanaman pala ng tip ang university. Naks, iba na talaga pag maraming connection.” Natatawang sabi ko.
“Ulol! Syempre, papanigan talaga ni Ninang Angelica ang ICU.” Sagot naman nya. Hindi ko nalang sya pinansin at itinuon nalang ang atensyon sa unahan.
“We have here a fish bowl at ang laman nito ay ang pangalan ng mga babaeng nag-audition last summer sa lahat ng Clubs na under ng Music Organization.” Pagpapatuloy ni Prof Tan.
Ang ingay-ingay pa rin ng paligid dahil na rin sa commotions ng mga estudyante.
“Anong trip nila?” pero kahit na anong ingay ng paligid ay narinig ko pa rin ang pagmamaktol ng isang dragona na base sa kanyang ginawa ay kaka-upo at kakarating nya pa lang.
“Oy Dean! Nandito ka pala? Kamusta? Long time no see ah.” Nagugulat ko kunong sabi.
Napa-poker face naman sya dahil sa inasta ko. Babatukan nya sana ako pero hindi na nya tinuloy at padabog na sumandal doon sa monobloc chair na inuupuan nya.
“Whatever Dos.” Ang sagot nya. Natawa naman kami ni CJ sa sinagot nya. She sounds defeated. Hahahaha.
“Pero no joke, ang galing mo kanina doon ah. Di ka man lang nagsabi samin na sasali ka pala sa KKDT at talagang sinurprise nyo pa talaga kami ni Zeus ha. Ayiiiieeeee.” Puri ko sa ginawang supresa nya kanina.
“Sí, por lo increíble (yeah, so amazing) I never thought you’re back with dancing na pala and plinano nyo ba ni Zeus yung pasabog nyong iyon?” sabi naman ni CJ.
“Tigilan mo ako dyan sa pagka-kastila mo Third ha! Kung ako maka-banat sayo baka pagsisihan mo. Atsaka that was my surprise to you guys.” Na-iiritang sabi nya pero eventually ay naging kalmado at malumanay din.