Zone Seven

101 10 0
                                    

GABBY'S POV


"OH ano? Sumagot na ba?" tanong sakin ni Max na prenteng naka-sandal sa bar area ng Mansion ni Chairman Ed. I look at him with glaring eyes.

"Eh kung ikaw kaya kumontak sa kaniya. I've been calling her phone for almost 20 times already at ring lang ang nadidinig ko." I rest my body sa beanie bag na nandito sa bar area ng Mansion, maraming different styles of couches dito, It's an entertainment room to be exact kung san din ang bar area.

Where the hell is that girl?

"Tumawag din ako sa gym na pinupuntahan nya pero ang sabi dun naka-alis na daw." si Dos

"By the way, ready na ba ang lahat?" tanong ko sa mga boys na kasama ko. Everybody is here except for Wayne na sinusundo na ang kakambal nya at ang Sabyna na yun na kanina pa namin kinokontak. "Vester?"

"Yes Gab, everything is settled and text message nalang ni Wayne ang hinihintay natin." -Vester

"Let's go to her room" -CJ

Sumunod naman kami kay CJ na nangungunang maglakad papuntang kwarto ni Deanisse dito sa Mansion.

Let me tell you something, ako na magsasabi kasi mas pala-salita ako kesa kay Sab. For sure kasi hindi nya pa nasasabi sa inyo to eh.

Vester's Dad; Ninong Vaughn. Max's Dad; Ninong Logan, CJ's Dad; Ninong Carlos, Dos' Dad; Ninong Walter, Onyx's Dad; Ninong Roberto, Zeus' Dad; Ninong Alex, Sab's Dad; Ninong Elijah, Wayne and Deanisse's Dad; Ninong Daniel, and My Dad; Daddy Gavin are all bestfriends since their teenage years, since high school to be exact. Kaya naging ganito na kami ka-close na sampu, sabay-sabay kaming lumaki na walo kasi yung dalawa ay sa labas ng bansa pinalaki. Lumaki rin kaming close sa grandparents nila Wayne kahit na minsan lang namin sila makita, mababait naman pero wag na wag mo lang talagang gagalitin baka kasi gilitan ka ng buhay. Bwahahahahahaha.

Pinaghandaan talaga namin nang husto ang pag-uwi ni Zeus at Deanisse kasi it's been 13 years since the last time na tumira at nakatapak sila sa Pilipinas. Hindi sila pwedeng umuwi ng Pilipinas pag hindi nila natatapos ang high school kasi may ibang storya dyan at wala ako sa posisyon para sabihin yun. Pero sabi ko nga na 13 years na silang hindi nakaka-uwi ng Pilipinas kaya kami mismo ang pumupunta kung saang bansa man sila naroon. Every school break lang nangyayari yun, like summer, semestral, and Christmas break. Hindi kami nagrereklamo na kaming walo pa ang kailangang pumunta sa dalawang tao kasi naging way din yun para kahit papaano ay malibot namin ang iba't-ibang parte ng mundo. Hindi man buong mundo pero atleast a piece of it man lang.

So balik tayo sa surpresang inorganize namin para sa kanila, kaming dalawa ni Sab yung naging punong abala nito pero ang bruha hanggang ngayon hindi pa pumupunta dito sa Mansion. Never pa na-late ang isang yon ha, san nanaman kaya nagsususuot yon.

Para sa decoration ng surprise ay pinuno namin ng helium balloons ang kisame ng kwarto ni Dean tapos sa ilalim ng tali ng every balloon na nasa kisame ay may nakalagay na mga pictures, random pictures nila Dean and Zeus, meron din yung group picture namin during our out of the country adventures at mga solo pictures nila, tapos sa walls naman ay balloon letters na 'WELCOME HOME DEAN AND ZEUS' ang naka-lagay. Blue and White lahat ng balloons na nandito sa room ni Dean at pinuno talaga namin yon ng mga balloons maski nga ang sahig ay meron. Dean's room in the mansion is so simple, mukha na ngang guest room kasi ilang taon ng hindi natutulogan. May sariling bahay sila Ninong Daniel at nandun yung mas malaking kwarto ni Dean kaso like her room in the mansion ay hindi na rin nagalaw yun.

Meron din kaming dalawang cake, for the both of them. At dito na-isipan isagawa yung surprise namin instead sa bahay nila mismo kasi nga may dinner na magaganap mamaya pagdating nila. Nandun na nga sa garden yung parents ko pati yung kapatid ko eh. Mabuti nalang super private nitong dinner at walang camerang nakatutok sa kanila.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon