Zone Twenty-Six

55 10 0
                                    

WAYNE'S POV

MONDAY.

"Celebrating the birthday of our dearest late Archbishop Gregorio Dela Ayala and Doctora Majestina Dela Ayala is our family's annual activity ever since. Nakakatuwang isipin na after all these years ay sinecelebrate pa rin natin ang birthday ng unang kambal sa angkan ng mga Dela Ayala." tumayo si Dada at iginala ang paningin nya sa loob ng musoleo "And as the head of this family. I'm formally greeting my grandparents and the great grandparents of my kids and grandkids, Lolo Gregorio and Lola Majestina a happy birthday in heaven." tumalikod sya sa amin at hinawakan ang dalawang puntod na nasa likuran lang nya. Yumuko si Dada kaya naki-yuko na rin ako.

"HAPPY BIRTHDAY LOLO GREGORIO AND LOLA MAJESTINA." sabay-sabay na sabi naming magkakamag-anak.

"Huy Delton! Ang weird talaga nitong si Dada no? May pa ganitong drama pa eh gastos lang to." pinasok ko sa kaliwang tenga at pinalabas naman sa kanan ang ibinulong nung katabi ko. Nakapikit pa rin ako at ipinagdarasal ang kaluluwa nung dalawa naming great lolo and lola. "Huuuuuy! Grabe ka naman kambal, ang seryoso masyado. Pakinggan mo naman ako oy." kinalabit nya ako nang marahas at doon na ako tuluyang nag-angat ng tingin sa kanya at masama syang tinignan.

"Pwede ba Dean? Respeto man lang sa ninuno natin. Can you please shut up and behave?" ibinalik ko ang atensyon ko kay Dada at hindi na pinansin pa si Deanisse.

"And I'm so happy that we are all complete here." tumayo na rin si Mimi at nagsalita na sa gitna. "Mabuti naman at nakaabot kayo ngayon mga apo. Epsecially you Vincent." nginitian ni Mimi si Uncle Vincent.

Nandito kami ngayon sa La Libertad Memorial Park ng Conception City. Dito nakalagak ang lahat ng mga labi ng mga kamag-anak namin. Mula kay Lolo Fernando hanggang kay Lolo Emilio. Nasa iisang musoleo silang lahat at dahil marami na sila dito kaya medyo may kalakihan ang musoleo'ng ito. At sabi nga ni Dada kanina, nandito kami ngayon para e-celebrate ang birthday ng kambal naming great grandparents. Araw din ng Kalayaan today kaya kumpleto kaming pamilya dito. Starting from Dada and Mimi down to our youngest na si Deanisse. Nandito rin yung mga pamangkin namin sa pinsan, mga anak ni Kuya Efraine.

Matapos yung small message ng grandparents namin ay nag-simula kaming magtipon sa pahabang lamesa na nandito sa gitna ng musoleo. Nagmukha na kasing bahay itong musoleo na ito dahil sa laki pero the thing is may kasama kang mga bangkay. Fully air conditioned at alagang-alaga ang musoleo na ito.

Matapos naming kumain ay nagkanya-kanya kami. "Hey baby bro! Kamusta ka na?" habang nagpapahangin ako dito sa labas ng musoleo ay biglang may tumapik sa balikat ko at tinabihan ako. Pagtingin ko ay si Kuya Drei pala, ang panganay saming magkakapatid.

"K...k-kuya Drei, ikaw pala. Okay lang naman. Na-surpresa ako sa pagdating mo ah. Hindi mo man lang ako sinabihan."

10 years ang age gap namin nitong si Kuya Drei. Palagi syang out of town at palagi sya doon kela Uncle Vincent kaya hindi namin sya masyadong nakakasama. Actually sa aming apat na magkakapatid, si Deanisse at Kuya Drei ang out of town kids nila Nanay samantalang kami naman ni Kuya Drake ang hometown kids nila. Weird pero sana naintindihan nyo. Uncle Vincent lived in Italy together with his family. Ngayon nga lang ulit sila naka-uwi dito sa Pilipinas dahil sobrang busy sa business ng pamilya namin na sila ang humahawak.

"Si Drake lang ang sinabihan ko about sa pag-uwi ko kasi dapat sa birthday nyong dalawa ako uuwi pero napa-aga dahil nga sa biglaang desisyon ni Dada and he also mandated this." matapos kong makinig sa kanya ay tumingala ako sa langit.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon