Zone Forty-Three

38 6 0
                                        

DEAN’S POV

KUSA akong nagising matapos akong maka-idlip at madilim na ang paligid pagka-kita ko sa labas. Alam kong natatakot lang akong gisingin ni Z dahil nga brutal ako pagdating sa sapilitang pag-gising kaya hinayaan nalang nya siguro akong matulog at magpahinga kasi pagod na pagod lang talaga ako sa nangyari kanina.

Lumabas ako sa kubo at mula palang sa pwesto ko ay naririnig ko na ang tawanan ng mga tao at nakikita ko na rin ang bonfire na nasa gitna nila mismo. Tahimik akong lumapit sa kanila at tawang-tawa sila kay Seven na nakatayo sa gitna nila habang nagku-kwento.

“At eto pa! Sabi nung matanda sakin—pagka-lumilindol daw, pa-ilawin mo lang yung ilaw nyo sa bahay at kusang titigil ang lindol.”

Luh? Ano ba tong mga pinagsasabi ni Seven?

“HAHAHAHAHAHAHAHA! ALAM KO YAN IHO!” biglang sigaw nung matanda kay Seven at sinabayan yun nang halakhakan ng mga matatanda na nandito sa pabilog na ito.

Hala sila! Anong nakakatawa don?

Pa-simple akong umupo sa batong eksaktong nasa likuran ni Z. Nakikinig din ako sa usapan nila pero hindi ko talaga mapigilang hindi magutom dahil simula kaninang hapon ay hindi pa ako nakaka-kain.

~kruuk

Pakshet, gutom na nga ako.

“Oh! I left this for you. How was your sleep?” tinignan ko yung pinggang may dahon ng saging, tatlong tuyo at isang cup ng kanin. Matapos kong sipatin ang laman ng pinggan na iyon ay saka ko sya tinignan. Walang emosyon akong tumingin sa kanya at buong pwersang pinipigilan ang gutom ko. Pakshet talaga!

“I’m not hungry.” Cold na sabi ko at ibinaling ang atensyon sa harapan. Hindi pa rin lumilingon si Z sakin at gusto ko syang sipain para pakainin na nya ako.

“I know you Dean, you’re hungry kaya kakainin mo to sa ayaw mo’t sa hindi.” Madiin na sabi nya.

“Tanggapin mo na yan iha, talagang si Zus ang nag-ihaw ng tuyo na iyan para sayo.” Napatingin ako kay Kapitan Pedro nung bigla syang magsalita at lahat ng mga mata na nandito sa tipon-tipon na ito ay sa amin na nakatuon—even Z.

*gulp*

“A…a-ah, t…t-talaga po?” tanong ko kunwari sa kanila tapos si Hunter naman ang tinignan ko “You did that?” tanong ko kuno sa kanya pero sa totoo lang ay sobrang na-touch ang puso ko dahil sa ginawa nya—kung totoo man.

“Yep, I did that. Alam ko kasing late ka nang magigising kaya I personally cooked this one.” At mas lalo nyang inilapit ang pinggang iyon sa pagmumukha ko.

Dahan-dahan kong kinuha mula sa kamay nya ang pinggan na iyon at pilit ang ngiti ko sa kanya.

“Kain lang dyan iha habang nakikinig ka sa usapan namin.” Narinig kong sabi ni Kapitan Pedro pero hindi ko na sinagot kasi natuon na ang atensyon ko sa pagkaing nasa harapan ko.

Meron itong kasamang toyo—which is my favorite sawsawan of all time.

Napa-ngiti ako dahil sa ginawa ni Hunter. Magaling syang mag-luto and he used to cook for me when we were still okay.

Nag-hugas muna ako ng mga kamay bago nilantakan ang pagkain at sila naman ay nagpatuloy sa pag-uusap pero si Hunter ay hindi umalis sa tabi ko. Sa isang bato rin sya naka-upo na katabi lang ng batong inuupuan ko. Maliwanag naman dito sa lugar namin at mas lalong lumiwanag dahil sa bilog ang buwan at sa liwanag na hatid ng malaking bonfire na nasa gitna ng circle na binuo ng mga matatanda at grown-ups na tiga-dito sa Sitio Cabyo.

The Girl Who SmokeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon