DEAN’S POV
“OKAY, okay, okay. Ang iinit ng mga ulo ng tao ngayon. Gabi naman at uso ang habagat, summer is over na rin pero bakit ang ha-hot nyo pa rin? Meron ba kayong dalang apoy dyan sa mga ulo nyo?” ako na mismo yung lumayo sa harapan ni Hunter kaya nung mag-salita si Ellaine ay hindi ko masyadong pinansin. “So for tonight’s activity, what we’re going to do is kinda interesting. Ang gagaw—“
“Tonight’s activity is all about expressing your feelings through a song.”
Pfffft.
Halos ma-ibuga ko yung tubig na nasa bibig ko dahil sa sinabi ni Angelo.
Anong trip ng tangna?!
“Walang hiya kang bakla ka! Nagsasalita pa ako eh.” Narinig kong sabi ni Ellaine na pa-simple kong tinawanan.
They are trying to ligthen up the mood.
“Ang tagal mo kasi eh. Alam mo na ngang ma-init ang ulo ng dragona, pinatatagal mo pa yung exciting na activity.” Narinig kong depensa ni Angelo.
Ano ba yang activity na sinasabi nila? *poker face*
“Sa ginagawa nyong dalawa ay pinatatagal nyo talaga ang activitiy natin.” Matapos kong uminom ng tubig ay umupo ako doon sa high stool—malayo sa mga kaibigan ko.
“Oo na. Eto na Sir Maxshone. Magsasalita na.”
“So yun nga—you will express what you’re feeling right now through a song. Any kinds of feeling, kahit gutom ay pwede mong e-express as long as nararamdaman mo yon.” Umangat ang isang kilay ko dahil sa sinabi ni Angelo. “We will group ourselves into two. Group one will be Dean’s group and group two will be Zeus’ group.” Dagdag na sabi nya habang pinapakita samin ang fish bowl na hawak nya.
Anong trip ng mga king ina?
“So tayong walo ay bubunot dito sa fish bowl na ito. At kung kaninong pangalan ang mabubunot mo ay doon yung grupo mo. So ano? Game?” pinagmasdan ko ang bawat galaw nila habang nag-uunahan magbunot doon sa fish bowl.
Hindi ko alam kung ano itong gagawin namin at wala akong balak alamin. I’ll just go with the flow to calm myself.
“DEAN.” Si Eros
“DEAN.” Si Maxshone
“ZEUS.” Si kambal.
Ay pakshet! Bakit hindi ko kasama sarili kong kapatid? *poker face*
“DEAN” si Rage
“ZEUS.” Si Thirdy
“ZEUS” si Dos
“ZEUS.” Si Ellaine
“DEAN” si Angelo.
So my teammates will be Eros, Rage, Angelo and Maxshone.
Nice team!
In-explain nung bakla ang mechanics ng game.
“I have here the list of songs na pagpipilian nyo for the battle.” Matapos nilang ma-explain yun ay may inabot sila saking isang long bond paper. “Eto lang talaga ang kantang kailangan nyong pagpilian. No more, no less.”
Napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi nila. Akala ko ba express your feelings? Pero bakit may limitation?
Natuon yung atensyon ko sa listahan ng mga kanta.