Zone Forty-Two

28 7 3
                                        

DEAN’S POV

June 10, 2017

Balik kami sa parusa once we went back to our nipa hut. Agad kaming nag-ayos at nag-handa para sa pagdating ng Presidente ng Pilipinas dito sa Sitio Cabyo. Masyadong abala ang lahat para makapag-usap kaya narration nalang ang ginagawa ko ngayon kasi nga busy ang lahat. Ano? Pa-ulit-ulit nalang ba tayo?*poker face*

Nakaligo lang ako at nakapag-ayos nang maayos nung makarating si Z, dala-dala na rin nya yung gitara’ng pinadala ko. Mabuti naman at sinunod ng body guard na iyon ang utos ko kaya as a token of appreciation—bibigyan ko sya ng isang smartphone, sponsored by *censored*. Hahahahaha Joke!

“Andyan na si President Alexander, Miss D.” bulong sakin ni Z nung matapos akong makapag-ayos. Kasalukuyan nang nagsisimula ang medical mission pero ngayon lang ako natapos sa pag-aayos dahil sa sobrang daming gawain at idagdag mo pa yung hinintay ko pa si Z para lang may tumulong saking mag-ayos ay talagang matatagalan ako. Atsaka alangan namang hanapin ko si Tiya Merlinda—wag na oy, malaman pa yung sekreto ko. *poker face*

Huminga ako nang malalim bago tumayo. “Okay, let’s go.” At lumabas kami don sa kubong tinutuluyan namin.

Ang daming tao ngayon dito sa Sitio Cabyo, mas triple or more na dami kaysa sa una kong nakita kahapon. Medyo na-shock pa nga ako nung makita ko ang mga taong dumadami eh.

Pagka-labas namin ng kubo ay agad sumalubong si Ninong Alex na naglalakad na papunta sa direksyon namin kasama si Xofia Xavier at ang uliran nyang boyfriend.

“Good morning inaanak, kamusta? Kamusta ang stay mo dito?” lumapit ako sa kanya at nakipag-beso at habang ginagawa ko iyon ay naka-smirk akong nakatingin kay Xofia Xavier na katabi na ngayon si Hunter.

“Good morning Ninong. My stay here is fine naman and you know that it’s for the punishment.” Naka-ngiting sagot ko.

“Good for you, naka-busangot kasi itong si Zeus nung makarating ako kanina, akala ko malala na talaga ang mga parusa ninyo dito Ha ha ha ha.” Natatawang sabi ni Ninong Alex habang nakatingin kay Hunter kaya nakitingin na rin ako. Naka-busangot nga sya habang naka-angkla si Xofia Xavier sa kanya.

“I’m not here kasi Tito kaya nalungkot siguro si baby Zeus.” Wala sa oras kong nalunok ang sarili kong laway dahil sa sinabi ni Xofia Xavier. Nabaling sa kanya ang atensyon namin ni Ninong Alex.

“Ah ganun ba? Inlove na inlove nga yata itong anak ko sayo iha. Ha ha ha, pero tama na muna iyan, proceed to the medical mission—maraming nangangailangan ng tulong natin.” Pumalpak sya dahilan para umayos kami ng tayo at magsipuntahan sa kanya-kanyang assigned work. Pero aalis na sana ako nung bigla akong sinenyasan ni Ninong Alex na mag-stay ako kaya nagtatakang tumingin ako sa kanya.

“Ano po yun Ninong? You need something?”

Hindi nyo natatanong—vibes kami nitong si Ninong Alex at sabi nya sakin once na kung magiging kami daw ni Hunter in the near future, sya ang magiging number one fan namin. So corny right? Pero yun ang nagustuhan ko kay Ninong Alex.

“The Monteros wants to meet you.” Natigilan ako sa sinabi ni Ninong Alex.

Montero? Apleyido yun ni Timotheo Montero na syang target ko ngayon diba?

“S..s-sino po sila?” tanong ko sa kanya.

“Sila ang bagong namumuno sa San Fernando, alam mo naman sigurong nagpahinga na ang mga Beunaventura sa local government dito sa bayan na ito kaya sila ang sunod na pinagkatiwalaan ng Lolo mo. Si Gregorio Montero ngayon ang kasalukuyang Mayor ng bayang ito, Dean.”

The Girl Who SmokeMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon