Zone Sixty-Nine

42 4 0
                                    

XOFIA XAVIER ADOLFO LAXAMANA


“Bakit ang tagal naman yata nilang matapos doon? Diba dapat by now ay nandito na sila?” napalingon ako sa kanya nung mag-salita siya at napatingin na siya sa relo niya, “Alas dos na ng madaling-araw, sa pagkaka-alam ko madali lang matapos yung declaration nila.” Dagdag na sabi ni Megan.

“Baka iba ngayon kasi nandun si Deanisse and Deanisse is going to be the leader diba? So baka may iba pang mantra si Master Ed sa kanya. After all, malaking responsibilidad ang papasanin niya.” Sagot ko naman to lighten up the mood kahit na ako mismo ay nagtataka rin kung bakit ang tagal nilang maka-punta rito.

Nandito kami sa malaking warehouse ng mga Dela Ayala, nandito rin ang lahat ng members ng DAS and my family is also here kasi merong ceremony mamaya to honor us as the new member of DAS. Nandito lahat except sa Master at sa mga higher leaders ng DAS.

“Or baka naman papunta na sila rito. Chillax nga kayo girls, masyado kayong excited eh.” Biglang singit ni Robi sa usapan namin kaya I just shrugged my shoulders.

“I’ll just contact them nalang kaya?” hindi ko na sila pina-sagot at kinuha ko na yung phone ko to contact Zeus. Isa rin kasi sa mga higher leaders ang Daddy ni Zeus kaya wala pa sila ngayon dito.

“Wait Xof, e-text mo nalang, baka kasi maka-istorbo ka.” Tatawagan ko na sana si Zeus pero napigilan ako ni Jike kaya imbes na tawagan ay tinext ko nalang.

I ask thru text kung nasaan na sila and kung bakit ang tagal nila. I waited for a response pero wala kaya napabaling nalang ako kay Viktor na katabi lang din namin.

“Hindi ko rin ma-kontak si Sab, cannot be reached.” Na-ibigay na niya sakin ang sagot sa magiging tanong ko kaya napa-tango nalang ako at lumingon kela Megan.

“Sab’s not answering her phone daw and si Zeus naman hindi nagre-reply,” malungkot na sabi ko. “Kung puntahan ko nalang kaya sila? I know where they did the ceremony.” Suggest ko sa kanila nung mag-pop out sa isipan ko ang sinabi ko.

“Hintayin nalang natin dito Xof, darating din yon.” Sagot naman ni Jike.

“And besides, hindi pa naman nagrereklamo ang iba kaya keri pa nilang maghintay nang matagal.” Sagot naman ni Megan.

Sumang-ayon ako sa sinabi nila kaya nanahimik nalang ako sa isang tabi. Sila Megan, Jike, Robi, Viktor, Digit, at yung iba pang kasing-age ko lang ang kasama ko ngayon. Yung family ko naman ay nakikipag-usap sa mga businessmen na nandito. Hindi lang kasi yung mga normal na tao ang nandito sa warehouse na ito, maski yung mga kilalang tao sa iba’t-ibang parte ng Pilipinas ay nandito.

Humigpit ang hawak ko sa phone ko nung bigla itong nag-vibrate. Pag-tingin ko ay agad kong nasagot ang tawag. “Hello Zeus, where na kayo?” walang alinlangang tanong ko na naka-agaw ng atensyon sa mga kasamahan ko.

“Makinig ka Xofia, sabihin mo sa lahat ng nandyan na papunta na kami and please tell everyone that it’s Code Orange.” Nangunot ang noo ko sa sinabi ni Zeus.

“Code orange?”

“Just do what I say, tell everyone there Code Orange.”

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon