ONYX'S POV
*BOOM!*
Bahagya akong napa-pikit nung marinig ko yung pagsabog na iyon. Nakakasiguro akong nasa kalapit na building lang ang pagsabog na iyon. Pero nung nagmuklat ako ng mga mata ay tumama agad sa isang babaeng patakbong pumunta sa Kitchen Building ang paningin ko.
0_0
"Shit!"
Agad akong lumabas nang mamukhaan ko yung babaeng iyon. Shit talaga!
Marami akong nakakasalubong na mga estudyante pero wala na muna akong pakealam sa kanila ngayon kasi ang importante ay yung babaeng iyon.
Ilang segundo lang ay narating ko agad yung 4th floor ng Kitchen Building. Agad kong hinablot ang braso ng babaeng iyon at dinala sa pinaka-dulong parte ng 4th floor, yung malayo sa room na sumabog. "Anong ginagawa mo dito? Bakit ganyan ang suot mo? Nahihibang ka na ba? Baka makilala ka ng mga kalaban." tinignan ko sya mula ulo hanggang paa at pina-ulanan ng mga tanong.
"What the hell Eros?!"
"Wag mo kong ma-watda-watdahel dyan ha. Anong ginagawa mo dito? Kaka-sabog lang nung room na iyon at may balak ka pa yatang pasukin?"
"I know about the bomb but it was too late when I knew about it, papunta ako dito nung bigla itong sumabog and please bitawan mo na muna ako. I need to find something. I'll explain later." pero hindi na nya hinintay na bitiwan ko sya at pahablot na kinuha yung braso nyang hawak ko.
Wala akong nagawa kundi ang sundan sya ng tingin.
Anong bomba ang tinutukoy nya? How come?
Pero bakit kailangang ganun ang maging itsura nya? Hindi ba sya natatakot na baka mamukhaan sya at kunin nanaman samin? We can't afford to lose her again.
"Excuse me Mister Recto." binigyan ko ng pansin ang tumawag sakin "Pina-patawag kayo sa President's Office at kami na po ang bahala dito." susundan ko na sana siya sa loob ng room na iyon pero bigla akong napigilan ng isang criminology intern.
"Hayaan nyong mag-imbestiga yung babaeng nasa loob. She can help you."
Iniwan ko ang mga criminology intern at dumiretso sa President's Office. Habang naglalakad ako ay nakita kong paparating na ang mga Private Police at Private Firemen ng mga Dela Ayala.
Nung makarating ako sa office ay dahan-dahan akong pumasok, pagpasok ko ay agad napunta sakin ang atensyon ng lahat. Kumpleto na pala sila, ako nalang ang kulang.
"Onyxcius, nakita mo ba si Diannah Deanisse?" pagpasok ko palang ay si Chairman Ed na agad ang unang nagsalita. Naka-upo sya sa kanyang magarang swivel chair habang nasa isang kamay naman nya ang kanyang legendary pipe tobacco.
Nag-bow ako ng ilang segundo at nag-mano sa kanya bago sumagot. "Nandon po sa Kitchen Building." naka-yuko kong sabi. Lumapit din ako kay Mimi Isabelle para magbigay galang.
"DANNAZIONE!" biglang sigaw nya sabay hampas sa lamesang nasa harapan nya. Napa-iktad pa kaming walo sa ginawa nyang iyon. Tumabi na rin ako sa mga kaibigan ko na tahimik ding naka-upo lang sa sulok ng opisina ni Chairman Ed.
(goddamnit)
"Is she okay Onyx? What is she doing there?" malumanay namang tanong ni Mimi Isabelle habang halata sa kanyang medyo may katandaan ng pagmumukha na nag-aalala sya.
"She's okay Mimi---"
*blag*
"Dada! Bakit nandon si Deanisse sa Kitchen Building? At bakit ganun yung itsura nun?" lahat ng atensyon namin ay napabaling sa may pintuan ng opisina nang biglang may padarag na pumasok dun -- si Kuya Drake kasama ang iba pa naming kapatid. "Mimi, good afternoon po." lumapit muna sya kay Mimi bago kay Chairman.