DEAN’S POV
JUNE 19, 2017
Hindi ako nagpahalata na nagulat ako nung makita ko ang kakambal ko at hindi lang sya ang nakita ko sa loob ng kwartong iyon. Along with my twin bro are my other friends which are Eros, Dos, Rage, Max and Thirdy.
Pakshet! Anong ginagawa ng mga walanghiya sa loob ng quarters ng Basketball Team ng ICU? Don’t tell me?—
“Mali yang iniisip mo, hindi sila kasali sa team. Kami lang ni CJ ang kasali, gusto lang talagang sumama nung apat samin.”
*lunok*
Hooooooooh!
Akala ko naman kasali na talaga sila.
Naka-hinga ako nang maluwag dahil sa ibinulong nung kakambal ko. Nung makita nya kasi ako kanina ay bigla syang lumapit sakin and pa-simpleng sinabi sakin yon. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko matapos kong malaman yung katotohanan at isa-isa silang nag-wink sakin.
“You’re Deaney Laxamana right?” nabaling naman ngayon sa isang middle aged man ang atensyon ko. Papalapit sya sakin na nandito pa rin sa pwesto ko kanina, yung pwestong nasa labas mismo ng kwarto.
“Yes. I’m Deaney Laxamana.” Hindi ko sya kilala kaya hindi ko alam kung ano ang e-aaddress ko sa kanya.
“I’m Coach Che. Ang coach ng basketball varsity team ng ICU.” Sabay nang pagpapakilala nya ay ang paglahad ng kaliwang kamay nya. Wala akong nagawa kundi ang tanggapin iyon at nakipag-kamay sa kanya nang panandalian lamang.
“Hinahanap na ho kayo sa coliseum, the show is about to start na daw ho.” Naka-ngiting sabi ko bago sila tinalikuran lahat. Looks rude pero I don’t care.
Bumalik ako ng coliseum para mag-prepare na. Uniform days nanamin ngayong week pero dahil isa akong pasaway na bata kaya heto—naka-sibilyan pa rin ako. Pinapasok naman ako kanina sa may gate kaya akala ko okay lang.
Nagtungo ako sa dressing room namin para mag-ayos. Tinanggal ko yung jacket ko pero yung shades ay hindi saka ako bumalik sa pag-aayos nung rubik’s cube.
“Huli kayong lalabas ha? Ipapakilala muna yung mga athletes, kayo kasi yung highlights ng program.” Biglang sabi nung isang babaeng maliit pero may suot syang headphone na may mic so sa tingin ko—isa sya sa mga crew and staff ng event na ito.
“Gets nanamin yan Anna.” Sagot naman nung isa sa mga kambal.
Hindi ko na masyadong pinansin ang kulitan at usapan nila dahil masyado akong nalunod dito sa cube na kaharap ko. Mahigit isang oras na akong nakatutok sa cube na ito pero hindi ko pa rin ma-solve-solve. Alam na alam ko naman kung paano ito buuin pero bakit nahihirapan yata ako ngayon? Sino ba kasing nag-disassemble nito? *poker face* Hanggang sa hinatiran na kami ng pagkain ay ang cube pa rin na to ang kaharap ko ngayon.
“Teka! Kay Chaos yan ah?” sabay nung pagsabi nung isa sa mga miyembro ng The Boys ang tuluyan kong pagka-buo sa rubik’s cube na hawak ko. At ganun nalang ang naging gulat ko nung makita ang naka-sulat sa cube.
Hezekiah Chaos Peralta
Hindi ko na ulit narinig nagsalita yung lalaking iyon pero dahil sa naging familiar ang nakasulat sa cube na iyon at parang alam ko na kung kanino ito ay dahan-dahan akong nag-angat ng tingin at siya ang una kong nakita.
Ang may-ari ng rubik’s cube na hawak ko.
“Sayo ba to?” tanong ko sa kanya kahit na malayo kami sa isa’t-isa.
