DEAN’S POV
DECEMBER 4, 2017
ICU Week - Day 1
Wala sa sarili.
Yan ang naging aura ko ngayong araw. Mula nung magising ako hanggang sa makarating ako dito sa ICU Coliseum ay para akong patay na sadyang nabigyan lang ng kakayahang maglakad at kumilos sa araw na ito. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, masyado akong naapektuhan sa nangyari kagabi at alam kong makakasama ito sa akin.
“You really love him no? Kasi kung hindi, hindi ka rin masasaktan nang ganyan.” Natigil ako sa pag-iisip nung marinig ko ang boses nya. Dahan-dahan ko siyang tinignan. “Stop it Deanisse! Cheer up kasi may performance ka pa mamaya, ayokong simulan ang week na ito nang ganyan. Kaya please, smile ka na?” lumuhod sya sa harapan ko para mapantayan ang tinginan namin.
Isa pa siya! Kasali rin siya sa mga bumabagabag sakin kaso mas nangingibabaw lang talaga yung ginawa ni Krypton sakin kagabi.
“H…h-hunt—“
Uhmp!
“Sssshhh, wag kang umiyak. Wag kang magpadala sa emosyon. Hindi ganito ang kilala kong Deanisse so please?” bigla nya akong niyakap kaya pa-simpleng tumulo ang isang patak ng luha ko. Dali-dali ko rin itong pinunasan at humiwalay sa yakap nya.
“Don’t make it hard for me Hunt. You can leave me alone, I can handle myself.” Umiwas ako ng tingin sa kanya at inabala yung sarili ko sa mga make-up na nagkalat lang sa tapat ng dresser.
“You can call me a martyr pero hindi kita pwedeng pabayaan nang ganyan. Hindi ko ma-take na nasasaktan ka nang ganyan kaya hayaan mo na ako ha?” natigil ako sa pag-aayos dahil sa sinabi nya. Tinitigan ko siya sa may mirror at halatang seryoso nga siya sa sinabi nya. “I don’t care kung ilang beses mo akong saktan basta ang importante ay hindi ikaw yung nasasaktan.”
Mas lumalim ang titig ko kay Hunter at ganun din ang ginawa niya. Matapos ang ilang segundong titigan ay ako na yung unang nag-iwas ng tingin. Sunod ko namang tinignan ang sarili ko sa salamin.
Wag dapat akong magpadala sa emosyon, hindi ako ganito kaya kailangan kong magpakatatag.
Hinawakan ko yung kamay ni Hunter at tinitigan siya sa mga mata “Hindi pa naman huli ang lahat sa a—“
*open door*
Natigil ang pagsasalita ko nung biglang bumukas ang pintuan ng dressing room, napatingin ako doon at mabilis kong inalis ang kamay ko sa kamay ni Hunter.
*gulp*
Nakatingin siya sa aming dalawa pero agad nya itong iniwas. Biglang gumalaw si Hunter kaya napabaling ako sa kanya at alam kong nagpipigil lang siya sa galit nya kaya mas lalo ko siyang pinigilan. “Please Hunt, wag mo munang pa-iralin ang init ng ulo mo. Hayaan mo muna kaming mag-usap—please?” pagmamakaawa ko sa kanya.
Tinignan nya ako at parang tutol siya sa gusto kong mangyari. “I can’t leave you with that man, Dean.”
“Please?” may halong pagmamakaawang sabi ko.
“Okay—okay, kung kailangan mo ako, nandyan lang ako sa labas.” Ginulo nya yung buhok ko at piningot ang ilong ko bago umalis sa dressing room.
And now, kaming dalawa nalang ngayon ang na-iwan.
“Krypton…” pagbabasag ko sa katahimikan naming dalawa.