DEAN’S POV
CAUSE when I’m with him, I am thinking of you.
Yan ang mensahe ng kantang kinakanta ko ngayon. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba talaga o sadyang pinaglalaruan ako ng panahon. If it’s the latter—I swear makikipagbuno talaga ako sa panahon just to blame it with my misery. Mas lalong nadagdagan ang bigat sa puso ko nitong kantang ito eh! Bakit kasi sinulat pa ni Katy Perry ito! Leche!
I don’t know if everyone saw it but a tear in my left eye just escape from my eyes. Kanina pa ako nakakaramdam ng bigat sa dibdib at bara sa lalamunan ko kaya sa mata ko ipinalabas lahat. Pumikit nalang ako habang kumakanta para kahit papaano ay mapigilan ko ang pagluha nito.
I said compose yourself Deanisse!!
Matapos ang kanta ay aalis na sana ako sa gitna pero bigla akong pinigilan nung babaeng host na si Phoebe Legazpi dahil ipapakilala pa daw kami nang sabay-sabay.
“PLEASE WELCOME—THE LAKAMBINI! MEGAN CLAIRE FERNANDEZ, KATARINA HINOLAN, GRAENA JARA, DIANNAH DEANISSE DELA AYALA, AND DEANEY LAXAMANA!!!” at tinabihan ako ng apat pang ibang babae. Si Megan at Xofia Xavier lang ang kilala ko sa kanilang apat—the rest are unknown to me.
“PERO BIBITININ MUNA NAMIN KAYO. NEXT WEEK AY MARIRINIG NATIN SILANG KUMANTA NANG SABAY-SABAY. ABANGAN YAN ICIANS!”
Gustong-gusto ko nang umalis sa lugar na ito.
Matapos sabihin yun ng host ay agad akong umalis ng coliseum at nagpunta sa dressing room ng KKDT. Nag-kulong ako doon at wala lang, parang nahiya ako sa ginawa kong pag-iyak kanina.
May nakakita kaya?
Mula dito sa pwesto ko ay naririnig ko ang sigawan at pag-uusap ng mga nasa Coliseum pero mas pinili kong wag makinig. I just drown myself with thinking.
Kung ano na ang mangyayari after.
*knock knock knock*
Napalingon ako sa pinto nung bigla itong mag-ingay then dahan-dahan itong bumukas at iniluwa si Z. Nung makita nya ako ay parang nagliwanag ang mukha nya.
“Miss D.” sabi nya sabay pakita nung phone ko na nasa kanya.
[Punta kang ICU Park after the program. May emergency lang. Ingat baby dragon.]
Yan ang laman ng message na ipinakita nya sakin. Tumayo ako at inayos ang sarili ko. “Wag mo nalang replyan, I’ll go there and please sumunod ka Z.” mahigpit na bilin ko sa kanya bago umalis sa dressing room para puntahan si Montero sa ICU Park. Kailangan ko pang maglakad kasi nasa gitna pa yun ng Tertiary Campus at medyo malayo sa Coliseum.
Malayo palang ako sa ICU Park ay nakikita ko na kung ano kaliwanag ito. Dahan-dahan akong naglakad and at the same time ay nagmasid sa paligid. Alam kong hindi emergency ang totoong rason ni Montero kung bakit nya ako pinatawag, hindi ko alam kung ano pero malakas ang kutob ko na hindi ito emergency.
Eksaktong pagtapak ko sa gitna ng ICU Park ay ang pagtugtog ng gitara.
(Now Playing: Kid In Love by Shawn Mendes)
Hindi ako nagulat at mas lalong hindi ako natuwa. Wala akong naramdaman nung makita ko syang kumakanta at naggi-gitara sa harapan ko. Sinadya kong hindi lumapit sa kanya para hindi nya makita ang totoong expression ko sa mukha. Halata sa mukha nyang natutuwa sya sa ginagawa nya.
Hindi ko alam kung tama pa ba itong ginagawa ko pero isa lang ang alam ko—tuloy na tuloy ang plano ko sa kanya.
Hinintay kong matapos ang kanta bago ako huminga nang malalim. Dahan-dahan naman syang lumapit sakin while me—still stiff and stoic.