DEAN’S POV
DECEMBER 6, 2017ICU Week – Day 3
Pangatlong araw na ng U-week pero nasa normal pa rin ang lagay ng school. Kararating ko lang dito sa campus dahil kahit na merong problema sa pamilya namin ay kailangan pa rin naming maki-halubilo sa ganitong event, lalo pa’t mga estudyante pa kami.
Sabay-sabay kami ng mga kaibigan kong pumunta dito sa ICU kanina dahil kasali sa napag-usapan namin kagabi na simula ngayon ay sasama na ako sa kanila kahit saan man mag-punta ang barkada. Ang event ngayong araw ay mga ball games pero mamayang hapon daw ay merong cultural event kaya kailangan talaga ang presence naming sampu doon.
Nasa basketball court kami ngayon dito sa gym dahil kasalukuyang naglalaro ngayon ang team ni Max. CHTM vs. CCJE.
“WOOOOOOOH GO MAXXXXY!!!” todo cheer na sigaw ni Angelo at Ellaine na nasa tabi ko lang. Medyo ma-ingay din dito at maraming tao dahil isang Max Pangilinan ba naman ang mag-laro? Tignan natin kung hindi ka manunuod.
Katulad ni kambal, mabagsik din sa court si Max—actually lahat ng kaibigan ko, except Ellaine and Angelo. Sadyang si Thirdy at kambal lang ang piniling magpatuloy sa varsity team dahil yung iba gusto raw mag-focus sa studies nila, as if naman nag-aaral talaga ang mga iyan!
Bukod kay Angelo at Ellaine ay kasama rin namin yung iba pang kaibigan namin. Wala pa naman daw silang laro kaya sinuportahan muna nila si Max.
“Punta muna akong cafeteria, may bibilhin lang.” paalam ko sa kakambal ko.
“Gusto mo samahan na kita?” tanong nya sakin bago ako makatayo kaya hindi natuloy kaya tinignan ko nalang siya.
“Wag na, kaya—“
“O gusto mong si Zeus ang sumama sayo? Zeus! Samahan mo nga itong si Deanisse, pupunta raw siyang cafeteria.” Bago pa man ako maka-reklamo sa gustong mangyari ni kambal ay bigla nalang nyang tinawag si Hunter na nasa tabi lang naman namin.
“Pupunta kang cafeteria? May bibilhin din kasi ako.” At bigla syang tumayo kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo na rin, nagpa-alam muna ako sa mga kaibigan namin bago siya sinabayan sa paglalakad palabas ng gym.
Sinulyapan ko muna ang kabuuan ni Hunter bago tinignan ang daan. “I didn’t know naglalaro ka na pala ulit ng basketball.” Naka-jersey shorts kasi siya pero yung upper niya ay isang t-shirt lang tapos naka-medyas siya nung pang-basketball pero naka-tsinelas siya. Bali parang isang chill na basketball player siya ngayon.
“Alam mo namang matagal ko ng mahal ang larong ito diba? Kahit na sinaktan ako ng larong ito, babalik at babalik pa rin ako dito.”
*lunok*
Ayokong mag-assume ha pero parang double meaning kasi yung sinabi ni Hunter eh. Ayoko lang talagang mag-assume ha.
“Mabuti pinayagan ka nila Ninong mag-laro ulit nito.” Nag-uusap nga pala kami habang naglalakad papunta sa direksyon ng cafeteria.
“They don’t have any idea about this kaya please? Wag mong sabihin sa kanila ha?” agad nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi nya.
“Mygad Hunter! Hindi pala alam nina Ninang to pero bakit naglaro ka pa rin? Alam mo naman yung nangyari sayo dati diba? Your ankle almost broke because of that game.” Hindi makapaniwalang sabi ko sa kanya.
Bigla ko tuloy na-alala yung dahilan kung bakit natigil sa paglalaro si Hunter ng game na ito. Nagka-major injury kasi siya at simula nun ay pinagbawalan na syang mag-laro. Pinapagalitan pa rin siya sa tuwing hahawak siya ng bola ng basketball.