WAYNE'S POV
LUMABAS ako ng convenience store at agad kong hinanap yung kasama ko.
Maghahating-gabi na pero nasa labas pa rin ako. Hindi ko pa rin talaga makalimutan kung bakit ako nakalabas ng ganitong oras. Tsk.
~
*blaaag*
"Delton, samahan mo naman ako sa labas oh." Naka-harap ako sa computer ko nang biglang pasukin nung magaling kong kambal ang kwarto ko. Hindi ko sya tinignan at mas nag-focus ako sa ginagawa ko. "Drewayne Delton!" Sigaw nya pero hindi ko pa rin sya pinapansin. "ABA! Hindi ka na namamansin ngayon ah?"
Dahan-dahan ko syang tinignan mula ulo hanggang paa. Tsk, naka-pajama na sya't lahat mag-aaya pa lumabas?!
Salubong ang kilay kong nakatingin sa kanya "Tch, matapos mo kong pakainin sa isang fast food chain tas sisigawan mo pa ako ngayon? Tsk, matulog ka na Deanisse. Baka ako pa mapagalitan nila Nanay." At humarap ako ulit sa computer ko pero agad nyang napigilan ang swivel chair at muling iniharap sakin.
"Tsk, arte naman nito! Kala mo naman nakakamatay kumain don. Mabuti pa si Sab walang arte, eh kayong mga lalaki--- daig nyo pa babae sa sobrang arte!"
Mas sumalubong ang kilay ko sa sinabi nyang iyon. "Hindi naman yun yon Dean eh, alam mo namang mga high profile ang mga parents natin diba? Kaya konting ingat naman dyan."
Hindi naman sa maarte kami o ano ha pero masyadong kilala sa buong Conception yung mga magulang naming magbabarkada kaya I'm just concern about what people might thought of us nung makita kaming kumakain sa isang fast food chain.
"Sus, ayaw nyo nun? Sasabihin ng mga tao na hindi pala talaga kayo maarte kasi kumakain na rin kayo dun! Suuuuuus! Pwede bang pasalamatan mo nalang ako Delt kasi sa wakas nakakain ka na ng Jollibee. Hahahahaha." At humagalpak na sya ng tawa sa harapan ko. Nagsalubong pa lalo yung kilay ko at napa-cross arms na sumandal sa swivel chair habang nakamasid sa kanya. Tsk, iba din tong twin sister ko eh.
Kusa syang tumigil sa pagtawa nung makita nya ang mukha ko "Eto naman! Hindi na mabiro. Sorry na okay? Nagke-crave lang kasi talaga ako kanina nung chicken joy. Bigla ko kasing nakita yung isang estudyante na may hawak ng plastic nung Jollibee kaya dun ko na-isipang kumain." Naka-ngusong pagpapaliwanag nya.Iniwas ko naman yung tingin ko sa kanya. Kahit kelan talaga.
"Whatever Dean. Whatever." Tumingin naman sya sakin ng may malawak na ngiti "So ano nanamang kailangan mo sa dis oras ng gabi?"
"Samahan mo kong bumili ng ice cream. Ubos na kasi yung stock sa kusina eh, gustong-gusto kong kumain nun ngayon eh." Naka-ngusong sabi nya.
Wtf? Ice cream? Sa ganitong oras ng gabi?
"Really Diannah Deanisse? Binulabog mo ko dahil lang sa ice cream?" Ano bang iniisip ng kakambal ko na ito?
"Sige na Delt! Pleaaaaase."
"Si Zara nalang pabilhin mo, delikado na sa labas oh." Pagdadahilan ko
"Tulog na si Z kaya ayoko nang bulabugin yung tao--- tsaka ikaw? May salita bang delikado sayo? Eh pareho lang naman tayong lapitin ng----"