DEAN’S POV
"HUY baby, kanina ko pa napapansin pagiging balisa mo ah. Okay ka lang ba?” nabalik ako sa huwisyo ko nung biglang may dumanggil sa balikat ko.
“H…h-ha?” wala sa sariling tanong ko.
“Yan, katulad nyan. Kako, okay ka lang ba? Nabusog ka ba sa lunch natin?” ngumiti ako sa kanya
“Oo naman, ang sarap kayang mag-luto ng mommy mo.” Sagot ko naman sa kanya at nagpatuloy sa pag-iisip.
Gustong-gusto ko nang umalis sa harapan nya. Gusto ko nang maka-alis sa pamamahay nila.
“Pagod ka na ba? May ipapakilala sana ako sayo.” Na-intriga ako sa sinabi nya kaya napatingin ako ulit sa kanya.
“Sino?”
“Halika, sumama ka sakin.” Tahimik kaming umalis ng kanilang bahay. Nag-drive sya sa kung saan papunta pero nung naging familiar na sakin ang daan ay doon na ako kinutuban.
San Fernando Memorial Park
“Anong ginagawa natin dito?” tanong ko kaagad sa kanya nung makita ko ang sign ng gate na papasukan namin.
“Ipapakilala ko lang sayo yung isa sa mga matalik kong kaibigan when I was a child.” Sagot nya at biglang tumigil ang sasakyan nya. Like the usual, una syang bumababa then sya yung magbubukas ng pintuan ng kotse. Pagkababa ko ay agad nya akong inalalayan sa kung saan man. Ayokong tignan yung mga puntod dahil kinakabahan na ako sa kung saan kami papunta. “Eto sya oh.” Bigla syang tumigil sa paglalakad at nagsalita kaya napatingin ako sa puntod na tinuro nya.
Shet! Bakit ganun?
Gusto kong umiyak, gusto ko nang sumuko!
BAKIT ANG LIIT NG MUNDO NAMIN? DIBA MALAWAK ANG MUNDO? BAKIT PAGDATING SAKIN NAGING MASIKIP?
BAKIT KAKILALA NG MGA TAONG MALAPIT SAKIN ANG MGA TAONG HINDI KO DAPAT KINAKA-USAP?
“Total naman open na yung relationship natin sa both families natin kaya might as well isa-isa ko nang ipakilala ang mga taong malalapit sakin aside sa family ko.” Hindi ako lumingon sa kanya nung mag-salita ulit sya, napako na yata yung paningin ko sa lapidang nakikita ko ngayon. Buong-pwersa ko ring pinipigilan ang sarili kong wag maluha. “Di, I want you to meet my childhood bestfriend—Mad. Mad, this is Deaney—my girl.” Kinagat ko yung pang-ibabang labi ko para mapigilan talaga ang sarili kong wag mahikbi. Isang ihip nalang talaga ng hangin ay ma-iiyak na ako.
Matthias Allan Dallas B. Ortega
Date of Birth: May 23, 1999
Date of Death: October 21, 2016
Nagsisimula nang sumikip ang dibdib ko dahil sa mga pintong unti-unti kong nabubuksan.
Bakit ganito ka-cruel ang tadhana sakin?
“Actually, childhood bestfriend ko rin si Jike pero mas na-una kaming nagkakilala ni Mad kesa kay Jike. Magkapit-bahay kasi kami dati before sila lumipat ng Conception. At nung lumipat naman sila ay si Jikereel naman yung naging kaibigan ko. Close pa naman kami ni Mad kahit na lumipat na sila sa Conception pero nung nalaman ko na nag-migrate na sila sa London ay doon na naputol ang komunikasyon namin.” Napatingin ako sa kaliwa ko nung magsalita nanaman si Montero. Hindi ko na talaga kaya yung mga naririnig ko ngayong araw. Ayoko na! “At last year nga, nalaman ko nalang na patay na sya. Hindi ko alam kung anong totoong rason pero sabi sakin na sa ibang bansa daw sya namatay and it has been his request na dito daw ilibing kaya dito sya ngayon naka-himlay.” Malungkot ang boses nya habang nagku-kwento pero wala nang mas lulungkot sakin dahil sa mga nalalaman ko. Bakit hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Timotheo Montero, Mad? Bakit hindi mo sinabi sakin?! “Woi, okay ka lang ba?” nabalik ang tingin ko sa kanya nung tapikin nya ang balikat ko.
