Zone Thirty-Nine

29 10 0
                                    

DEAN’S POV

JUNE 7, 2017

Pangatlong araw ng klase.

Nagsimula nang mag-discuss ang mga prof namin sa pangatlong araw ng pasukan. Lahat naging normal at well kahit papaano ay nakikinig naman ako like what I always do to my past tutors.

Wala pa rin akong pinapansin sa loob ng classroom namin kahit na naka-usap ko na yung apat na bantay ko. Same sa mga kaibigan ko—hindi ko na rin sila masyadong naka-usap ngayong araw dahil nga kasama namin kanina si Xofia Xavier kahit na wala naman si Hunter kasi nga nasa Hong Kong pa ang gago. Mamayang hapon pa daw ang uwi nun—narinig kong sabi ni Thirdy kay kambal.

Maski sa afternoon class namin ay naging normal pa rin ang takbo ng pangyayari hanggang sa…

“Miss Dean, may klase pa po tayo mamayang 4-5 p.m.” natigil ako sa paglalakad nung biglang pigilan ako ni Digit. Tinignan ko sya with confused face.

“What do you mean?” takang tanong ko sa kanya.

Kasi sa pagkaka-alam ko ay hanggang 4 p.m. lang yung klase namin every MWF.

“May nadagdag po kasi sa subject natin, yung general psychology at nakalagay sa schedule natin na mamayang 4 p.m. na yun.” Sabi nya sa akin. Siya lang ang ka-usap ko ngayon kasi kaming dalawa nalang ang natira dito sa loob ng classroom namin.

“What the hell? Bakit hindi ko alam ang tungkol dyan?”

As far as I remember ay walang General Psychology na subject sa schedule namin. *poker face*

“Kanina nga lang namin nalaman, nung pinuntahan nila Megan yung Registrar’s office.” Sagot naman nya.

Diba masungit itong si Digit? Bakit ang lakas ng loob nyang ka-usapin ako ngayon?

“Whatever. Saan ba?” pagsusuko ko kasi kahit na confuse pa rin ako kung bakit ngayon lang sinabi sa akin na may nadagdag sa schedule namin ay papasukan ko nalang.

“Sa Architecture Building po, room 457.” sabi nya. Pero hindi ko na sya sinagot pa at umalis na sa room na iyon.

Tss, I’m kinda disappointed. Apo ako ng may-ari ng eskwelahang ito tapos ako pa ang huling makaka-alam sa pagbabago ng schedule ko? Really?!

Imbes na umalis ay dumiretso nalang ako sa Architecture Building for my 4 p.m. class at tahimik akong pumasok sa classroom namin at maya-maya lang ay may pumasok na isang babaeng prof. “Good morning class.” Bati nya sa lahat.

Hindi pamilyar sa akin ang babaeng teacher na ito kasi hindi ko pa nakikita ito sa faculty office nung pinakita saakin ni Z yun.

“I’m sorry I wasn’t around last time. Nagka-conflict sa schedule kaya siguro nabigla kayo na may bago kayong subject.” Dagdag na sabi nya na ikina-kunot ng noo ko. “Actually sa block lang nato nagka-conflict nang ganito. I don’t know how it happened but sorry for the inconvenience. We will make sure it will never happen again.”

Nagka-conflict ang ICU sa paggawa ng schedule? WTH?

“Make it sure Miss—or else.” Sinabi ko yun matapos makapag-salita nung prof.

I’m really disappointed. Hindi ganito ang pamamalakad sa ICU—as far as I remember.

Ramdam na ramdam ko ang mga mata ng mga kaklase ko matapos kong bitiwan ang salitang iyon pero nasa prof lang na nasa harapan namin ngayon ang paningin ko. Nagulat talaga ang prof sa biglang sinabi ko at bumalatay ito sa buong mukha nya.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon