TIM'S POV
SABADO. FRESHIES DAY.
Sabadobidapdap na. It's Freshies Daaaaaaay. Woooooooh. Rakenrol to the world!!!! Hahahahahaha.
Maaga ang call time namin ngayon dahil nga mga contestant kami sa Mr. and Ms. Freshman. 7 am palang ay nasa school na ako. Hindi ko alam kung anong oras pupunta si Deaney basta ang alam ko ay bago mag-simula mamaya ang program ay magkikita kami. Pustaan pa tayo ng atay oh! Hahahahahaha.
So yun na nga. Nandito na nga ako sa ICU. Andito kami sa isa sa mga dressing rooms ng ICU Coliseum.
Oo guys, ganito ka gara ang coliseum ng ICU. Para syang Araneta Coliseum at SM MOA Arena at SE MOP Arena. Ang yaman talaga ng may-ari nito kung sino man. Hahahaha.
Maraming dressing rooms dito sa ICU Coliseum pero sa dami ng clubs and college departments sa ICU ay kailangan naming mag-share-share ng room. Kasama namin sa room ng partner ko ang Orange Maneuver Dancers ng college department namin. May presentation kasi every college department kaya nagkaroon ng ganung group ngayon. Mga first year college din sila kaya ganun. Atsaka mga freshmen lang naman talaga ang nandito ngayon sa Freshies Day, except nalang sa mga higher years na may epe-perform mamaya.
Pagkarating ko sa room ay agad akong binati nung mga nakakakilala saking kasali sa dance troupe ng CEA. Wala pa yung partner ko kaya para mapatay ang oras ay nag-facebook nalang ako. Chineck ko rin yung facebook page, twitter account, ig account, atbp account ng ICU sa internet kung may mga bagong updates at as expected, iisa lang ang status ng lahat ng accounts na iyon.
×
Immaculate Conception University - Official Account posted a new picture:
*insert picture here*
"See you later freshmen and transferees! Unleash your inner psyhe as we the Student Government of ICU will give you your unforgettable freshies day ever. Enjoy and have fun Freshies!!!! More suprises awaits. Go fight, win BLUE VIKINGS!! RAWR!!!"
×
Yan ang post nila sa lahat ng accounts nila. At puro status update ng Freshies Day ang nababasa ko from my friends sa facebook. Talagang inaantay nila ito.
Habang nilalaro ko ang phone ko ay biglang dumating ang partner ko. Kina-usap kami sandali nung handler namin na isa ring Higher Officer ng CEA before kami dinismiss para makipag-kita sa mga kaibigan namin. Sekreto yung mga contestant diba kaya kailangan talaga naming mag-act normal. By exactly 8 a.m. ay nagkita-kita kami ng mga kaibigan ko na sila Jike and others except baby dragon.
By college department ang seating arrangement dito sa loob ng coliseum. Lahat ng bleachers ay occupied halos lahat ng mga freshmen. Eto yung tamang seating arrangement:
Upper right side ng stage:
College of Criminal Justice Education (Red)
Middle right side:
College of Engineering and Architecture (Orange)
Lower right side:
College of Business and Accountancy (Yellow)
Upper left side of the stage:
College of Arts and Sciences (Green)
