Zone Fifty

35 5 0
                                        

DEAN’S POV


“CONGRATULATIONS to the newly elected Engineering Society Officers. Please give yourselves a round of applause.” Pinalakpakan ko naman yung sarili ko dahil yun din ang ginawa ng mga kasamahan ko. Nandito kami ngayon sa office ng Engineering Society, matapos kasi yung meeting ay agad kaming pina-punta dito. Wala rin akong choice dahil bantay-sarado ako ni Digit. Psh. “You may take over Gordon.” Dagdag na sabi nung Dean of Instructions ng College of Engineering and Architecture. Nakalimutan ko kasi yung pangalan pero sure akong siya yung naka-usap ko days before the Freshies Day.

Agad namang tumayo si Gordon Parker at pumagitna. Nasa hulihan ako naka-upo kaya medyo malayo ako sa kung sino man yung tatayo sa gitna. Maliit lang naman itong office pero marami kami dito eh.

“Good afternoon co-officers.” Bati nya na agad namang sinagot nung ibang officers. Hindi ako naka-sagot kasi labag sa loob ko ang pagpunta dito ngayon. Gusto ko na kasing kumain. “I’m glad that I still see the same faces I worked with last year pero mas natutuwa akong malaman na meron tayong mga bagong miyembro. And because of that, I want you to introduce yourselves. Para hindi unfair, magpapakilala rin ako.” He stop then he cleared his throat and straightened his posture. “Hello everyone, I’m Gordon Parker, 3rd year Mechanical Engineering student. Some of you may know me because I was also a member of SG officers and I represent College of Engineering and Architecture but my term has ended so that explains why.” Wow! Isang varsity player pero sobrang active sa mga activities sa school? Wow Gordon, Wow!

Matapos nyang magpakilala ay isang ngiti pa ang pinakita nya samin bago nya sinenyasan si Krypton na tumayo na. “Hi I’m Krypton Panganiban—ESO’s former treasurer but now a Vice-Mayor. Nice to meet you all.” Ngumiti sya samin isa-isa pero parang katulad lang ako nung ibang nginitian nya. Hindi man lang ako tinitigan nang matagal. Hindi ba talaga ako kapansin-pansin sa paningin nya?

Pero teka—anong course nya?!

“Hi everyone! Ako naman si Gwendolyn Margaux Zamora but you can call me Gwen. I’m a 1st year Chemical Engineering student. I’m a freshman so I’m probably new to this position pero hindi ko bibiguin ang mga taong bumoto sakin for this position. Thanks for trusting me.” Napa-sandal ako at napa-crossed arms sa kina-uupuan ko nang mag-simulang magsalita si Gwen Zamora.

Ano kayang magiging reaksyon ni kambal pag nalaman nyang nakilala ko na sa personal ang ex nya?

“Heziah Peralta here. 4th year Electrical Engineering student. ESO’s former Electrical Engineering representative pero na-promote na as Treasurer.” Malawak ang ngiting pagpapakilala nung newly elected treasurer na si Heziah.

“Woot woot! The celebrity’s sister! Pa Mcdo fries ka naman Zay Hahahaha.” Napako ang tingin ko kay Krypton nung bigla syang magsalita at lalong-lalo na nung bigla syang tumawa.

Ngayon ko lang sya nakitang tumawa.

Pakshet! His laugh is an art!

Pakshet talaga Deanisse! Ano ba yang mga pinag-iisip mo?

*boink*

“Oh hell no Kryp, ayan ka nanaman sa mga lang kwentang biro mo eh.” Sagot naman nung Heziah matapos nyang mabatukan si Krypton.

“Totoo naman diba? Kapatid mo naman talaga yung si Chaos? Hahahahaha wag kang mag-deny, nakita ko kayo last Monday.” At tumawa nanaman sya ulit.

Hays, malala ka na Deanisse! Ano na ba talagang nangyayari sa takbo ng sistema mo?

“Hahaha, tumigil na nga kayong dalawa.” Natatawang saway ni Gordon sa kanilang dalawa. Nakikitawa na yung ibang kasamahan namin sa kulitan nila, mukhang ako lang yata yung hindi nakaka-intindi sa pinag-uusapan nila. Dahil hindi ko naman talaga masyadong narinig. “Proceed to introduce yourself.” At nagpatuloy nga ang pagpapakilala hanggang sa makarating sakin.

The Girl Who SmokeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon