DEAN’S POV
JUNE 14, 2017
“Dalhin mo to para matago mo ang sarili mo.” At inabot nya sakin ang isang paper bag. Binuksan ko naman ito para tignan kung anong laman.
Isang jacket na color black at isang face mask na may kasamang bonnet—yung parang sa mga holdaper. Yung ganun!
Sakto—naka black pants and white plain shirt lang ako ngayon. Madali lang itago sa jacket na iyon.
“Magmo-motor ako ha, nasa bahay yung car ko eh.” Sagot ko sa kanya.
Nilipat ko sa isang back pack ang jacket at ang mask. Masyadong hassle ang paper bag eh kaya yun nalang.
“Sure, basta wear your helmet.” Lumapit ako sa kanya doon sa may kitchen island. Yung kitchen island din ang nagsisilbing dibisyon ng kusina at ng dining table ng unit namin.
“Kamusta na nga pala yung store ko?” kumuha ako nung isang sandwich na prinepare niya para saming dalawa.
“Going well naman, wala pa naman masyadong aberya.”
“Good. Bibisita ako doon mamaya.”
“May praktis ka mamaya with Zeus after your practice sa KKDT.” Na-iwan sa ere yung kamay kong may hawak ng sandwich. Kakagat na sana ako eh pero nagulat ako sa sinabi ni Z. Hindi ko nalang itinuloy yung pagkain ng sandwich kasi feeling ko nawalan ako ng gana nung marinig ko yung sinabi ni Z.
Magkikita nanaman kami mamaya. *sigh*
“Sa univ nalang ako kakain. Maaga pa naman eh.” At iniwan ko sya doon sa kusina.
“I saw a rose inside your gym bag. Si Timotheo Montero ba nagbigay nun?” natigilan ako sa paglalakad nang dahil sa sinabi ni Z.
Nakita nya yon?
Dahan-dahan akong lumingon sa kanya at nagkibit-balikat. “Maybe. Nagte-text pa ba sya sayo? Hindi ba nagdududa?”
“He’s serious Miss D. Seryoso sya sayo.” Umiwas ako ng tingin kay Z atsaka ngumisi.
“Mabuti nga iyon, mas madali.”
“What if you fall for him? Masakit ang karma, Miss D.” mas ngumisi ako sa sinabi ni Z, tinignan ko sya with a grin on my face.
“Do you think I will fall for him? Do you really think my feelings for him will change?” and one last grin then go.
Naka-ngiti akong lumabas ng unit namin.
Paano nga ba ako mahuhulog sa taong nagmula sa angkan ng masasama ang budhi? Paano nga ba ako mahuhulog sa ka-dugo ng taong nagpa-kidnap sakin at sinira ang childhood ko? Paano nga ba?
***
“Good morning Miss D.” bati sakin ni Jike nung magkita kami sa parking lot ng ICU. Sabay pala kaming nakarating.
“Hi Jike.” Bati ko naman sa kanya at nagsabay na kaming naglakad papunta sa loob ng Tertiary Campus.
Hiwalay ang entrance ng girls and boys dito sa tertiary campus. Gaya ng dati—iniswipe ko lang yung fake ID ko atsaka walang question na pina-pasok sa loob kahit na may kulay itong buhok ko.
“Anong status nyo ni Timotheo, Miss D?” tanong ni Jike nung papunta na kami sa Engineering Building.
“Nanliligaw sya, yun ang sabi nya sakin.” Walang ganang sagot ko kasi parang tinatablan na ako ng gutom.